Netizens, binalikan ang 2024 interview ni Julius Babao sa kaibigan ni Pepsi Paloma

Netizens, binalikan ang 2024 interview ni Julius Babao sa kaibigan ni Pepsi Paloma

  • Binalikan ng netizens ang panayam ni Julius Babao kay Coca Nicolas noong 2024 tungkol sa kontrobersyal na kaso ni Pepsi Paloma laban kina Joey de Leon, Vic Sotto, at Richie D'Horsie
  • Ibinunyag ni Coca na ang reklamo ay isang "gimmick" umano na isinulong ng kanilang manager na si Rey dela Cruz upang sumikat sila
  • Inalala ni Coca ang huling mga araw ni Pepsi, kung saan madalas nitong sinasabi na gusto na niyang "mamahinga" dahil sa pagod
  • Nanatili ang opinyon ng publiko na nahahati sa isyu kahit pumanaw si Pepsi noong 1985

Muling naging usap-usapan sa social media ang panayam ni Julius Babao noong 2024 kay Coca Nicolas, isang dating aktres at matalik na kaibigan ni Pepsi Paloma, kaugnay sa kontrobersyal na kasong isinampa laban kina Joey de Leon, Vic Sotto, at Richie D'Horsie.

Netizens, binalikan ang 2024 interview ni Julius Babao sa kaibigan ni Pepsi Paloma
Netizens, binalikan ang 2024 interview ni Julius Babao sa kaibigan ni Pepsi Paloma (Julius Babao UNPLUGGED/YouTube)
Source: Youtube

Sa panayam, ibinunyag ni Coca na ang reklamong panggagahasa na isinampa ni Pepsi ay diumano’y isang "gimmick" na isinulong ng kanilang manager na si Rey dela Cruz upang mas makilala ang kanilang grupo. “Hindi, alam mo naman si Tito Rey. Lahat gagawin niyan para sumikat tayo,” ani Coca, na sinasabing ito ang sagot ni Pepsi nang tanungin siya tungkol sa usapin.

Read also

Arnold Clavio, nag-react sa pelikula ni Darryl Yap: "Hindi dapat mawala ang respeto sa kapwa"

Ayon kay Coca, malapit ang kanilang samahan ni Pepsi dahil magkasama sila sa iisang bahay at itinuring na parang magkapatid. Sa panayam, sinabi rin niyang handa siyang patunayan na hindi totoo ang mga paratang laban kina Joey, Vic, at Richie. "Ako mismo, ako ang mag-prove na hindi po totoo," pahayag ni Coca.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naungkat din ang mas personal na bahagi ng buhay ni Pepsi. Inalala ni Coca ang huling mga araw ng kaibigan, kung saan madalas nitong sinasabi na gusto na niyang "mamahinga" dahil sa pagod. Naibahagi rin niya ang isang insidente sa Olongapo kung saan hindi sila pinapasok sa bahay ng ina ni Pepsi kahit pa nagdala sila ng lechon mula La Loma.

Binigyang-diin ni Coca ang kabutihan ng puso ni Pepsi sa kanilang pagsasama. “Mabait na kaibigan, mabait na kapatid, mabait siya, mapagbigay,” ani Coca habang emosyonal na inaalala ang kaibigan.

Bagamat pumanaw si Pepsi noong 1985, nananatiling kontrobersyal ang kanyang kwento. Dahil sa panayam na ito, nahati muli ang opinyon ng publiko sa isyu, at tila hindi pa rin natatapos ang usapin tungkol sa kanyang naging buhay at pagkamatay.

Read also

Mommy ni Barbie Forteza, nagpost ng quote bago ang breakup post ng anak

Si Pepsi Paloma ay isang Filipino-American na aktres at isa sa mga tinaguriang "softdrink beauties" noong dekada '80. Ang "softdrink beauties" ay grupo na sumikat sa industriya ng pelikula dahil sa kanilang mga sensuwal na imahe. Ang tunay niyang pangalan ay Delia Duenas Smith

Matatandaang umani ng samu’t saring reaksyon ang teaser ng pelikula ni Darryl Yap na hango umano sa buhay ng yumaong aktres na si Pepsi Paloma. Ibinahagi ni Yap sa kanyang social media account ang nasabing clip mula sa isang Facebook page, kung saan malinaw na nabanggit ang pangalan ng komedyanteng si Vic Sotto.

Isa sa mga nagbigay ng reaksiyon ay ang beteranong broadcaster na si Arnold Clavio. Sa kaniyang social media post, binatikos niya ang tila kontrobersyal na nilalaman ng pelikula.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate