Arnold Clavio, nag-react sa pelikula ni Darryl Yap: "Hindi dapat mawala ang respeto sa kapwa"
- Nagbigay ng matinding reaksyon si Arnold Clavio sa kontrobersyal na pelikula na idinirek ni Darryl Yap
- Binatikos niya ang pagbanggit sa pangalan ni Vic Sotto at tinawag itong kawalan ng respeto at disente
- Iginiit ni Clavio na maaaring gawain ito ng pelikula para lang makuha ang simpatiya ng publiko
- Pinuna rin niya ang posibilidad ng hindi pag-apruba ng MTRCB, lalo na’t si Lala Sotto ang kasalukuyang chairman nito
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Mainit na usapin ang nilikhang kontrobersya ng trailer ng pelikula ni Darryl Yap na nakatakdang ipalabas sa 2025. Sa trailer, direktang binanggit ang pangalan ng komedyanteng si Vic Sotto ng yumaong aktres na si Pepsi Paloma, na kilala rin bilang Delia Smith sa tunay na buhay.
Isa sa mga nagbigay ng reaksiyon ay ang beteranong broadcaster na si Arnold Clavio. Sa kaniyang social media post, binatikos niya ang tila kontrobersyal na nilalaman ng pelikula. Aniya, "Puwedeng magtago sa artistic freedom ang direktor pero hindi sa mga umiiral na batas. Maliban kung may public record ang korte batay sa akusasyon."
Binigyang-diin din niya na ilang dekada nang inuungkat ang isyung ito tuwing may malalaking problema sa bansa. Sa isang panayam noon kay Coca Nicolas, malapit na kaibigan ni Pepsi Paloma, sinabi nitong ang issue ay gawa-gawa lamang ng kanilang manager na si Dr. Rey Dela Cruz.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon sa kanya, hindi dapat mawala ang respeto at disente sa pagtalakay sa ganitong mga sensitibong paksa. Idinagdag din niya na malabo umanong payagan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang isang pelikula kung may hayagang paninirang-puri.
Sa gitna ng usapin, pinansin din ang posisyon ng kasalukuyang chairman ng MTRCB na si Lala Sotto-Antonio, anak ni Tito Sotto at pamangkin ni Vic Sotto. Dagdag pa rito, dalawang miyembro ng Sotto family ang tatakbo sa Eleksyon 2025—si Tito Sotto at si Pasig City Mayor Vico Sotto.
Sa kabila ng ingay, nanindigan si Clavio na dapat bigyang-halaga ang disente at etikal na pagpapahayag. “Tandaan, sa mundong ginagalawan natin, hindi dapat mawala ang respeto sa kapwa at pagiging disente. May mga norms at ethics na dapat sundan,” pagtatapos niya.
Patuloy na sinusubaybayan ng publiko ang magiging hakbang ng MTRCB at kung paano tatanggapin ng mga Pilipino ang kontrobersyal na pelikula.
Si Darryl Yap ay isang Filipino filmmaker, director, at screenwriter na kilala sa paggawa ng mga kontrobersyal na pelikula at online content. Siya ang nasa likod ng VinCentiments, isang social media platform na nagpo-produce ng short films at viral videos na kadalasang tumatalakay sa mga usapin ng buhay, lipunan, at politika.
Matatandaang nakisali ang kontrobersiyal na direktor sa mainit na sagutan ng social media personalities na sina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-Ai Delas Alas. Sa isang post na agad nag-viral, tila pabirong sinabi ni Yap na gusto rin niyang isali sa gulo. Aniya, “Sali niyo naman ako sa away niyo. Matapang din naman ako eh.”
Sa gitna ng patuloy na usap-usapan tungkol sa umano'y sagutan nina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-ai Delas Alas, nagbigay opinyon si Yap na tila pabirong sumasali sa isyu. Matatandaang nag-post si Yap ng komento, sinasabing matapang din naman siya kaya’t gusto niyang isali sa gulo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh