Mommy ni Barbie Forteza, nagpost ng quote bago ang breakup post ng anak

Mommy ni Barbie Forteza, nagpost ng quote bago ang breakup post ng anak

  • Kinumpirma ni Barbie Forteza sa Instagram ang kanyang hiwalayan kay Jak Roberto matapos ang pitong taong relasyon
  • Nagbigay-pahayag ang kapatid ni Barbie na si Gabrielle Vierneza ng suporta sa post na may mensaheng “Gusto ko happy ka”
  • Naging usap-usapan ang Instagram story ng ina ni Barbie na si Amy Forteza, kung saan binago ang mensaheng naglalaman ng salitang “did quit”
  • Nanatiling positibo ang post ni Barbie tungkol sa kanilang hiwalayan habang nagpapasalamat siya sa mga taong kanilang pinagsamahan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagulantang ang online community nang maglabas si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza ng anunsyo ng kanilang hiwalayan ni Kapuso actor Jak Roberto nitong Enero 2, 2025. Kasunod nito, naging usap-usapan ang mga post ng kanyang ina, si Amy Forteza.

Mommy ni Barbie Forteza, nagpost ng quote bago ang breakup post ng anak
Mommy ni Barbie Forteza, nagpost ng quote bago ang breakup post ng anak
Source: Instagram

Unang nagsama ang tambalang JakBie sa seryeng Meant To Be ng Kapuso network, na siyang naging daan upang umusbong ang kanilang pagmamahalan. Sa loob ng pitong taon, naging matatag ang kanilang relasyon na inaasahan pa ng kanilang mga tagahanga na mauuwi sa panghabambuhay na pagsasama.

Read also

Ellen Adarna, sinagot si Derek Ramsay na nais raw ipakita ang mukha ng kanilang anak: "Dont dyd!"

Ngunit sa isang nakakagulat na post sa Instagram, kinumpirma ni Barbie ang kanilang hiwalayan. Bagamat hindi ibinahagi ng aktres ang detalye ng dahilan, nagpasalamat siya kay Jak sa mga masasayang taon na kanilang pinagsaluhan. “I’m grateful for everything we’ve shared,” ani Barbie sa kanyang post na puno ng positibo at pasasalamat.

Naging sentro ng diskusyon ang Instagram story ni Amy Forteza, ina ng aktres. Isang makabuluhang quote ang kanyang ibinahagi, ngunit binago ang isang bahagi nito. Ang orihinal na mensaheng, “No one knows how much you went through this year, but you stayed strong and didn’t quit,” ay inedit kung saan nilagyan ng “X” ang salitang “didn’t,” kaya’t naging, “but you stayed strong and did quit.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa ilalim ng quote, malinaw na isinulat ni Amy ang mensaheng, “I’M SO PROUD OF YOU.” Ibinahagi ito sa X at agad na ikinonekta ng netizens sa hiwalayang inamin ni Barbie.

Bagamat nananatiling tikom ang bibig ng aktres sa tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay, maraming tagasuporta ang nagpahayag ng suporta at pagmamahal sa kanya. "Ikaw pa rin ang aming prinsesa, Barbie!" pahayag ng ilang netizens sa comment section ng kanyang social media posts.

Read also

Chito Miranda, ibinida ang picture nila ni Neri sa kanyang pagbati para sa Bagong Taon

Si Barbie Forteza ay isang Kapuso actress na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa mga seryeng Nita Negrita, The Half Sisters, That's My Amboy, Inday Will Always Love You, Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, at marami pang iba. Taong 2009 nang pasukin ni Barbie Forteza ang showbiz at ang unang proyektong ibinigay sa kanya ay ang gumanap sa papel na batang Jodi sa local adaptationng sikat na Korean drama na Stairway to Heaven.

Kinaaliwan si Barbie Forteza nang muli siyang maging guest host sa It's Showtime. Sa segment na Tawag ng Tanghalan, napakanta si Barbie matapos siyang pakantahin ni Vice Ganda ng awiting 'Meron Ba?'

Opisyal nang pagmamay-ari ng pamilya ni Barbie Forteza ang kanilang bagong tahanan na tinawag nilang “B Casa.” Masayang inanunsyo ng aktres ang milestone na ito sa pamamagitan ng isang post sa social media, kalakip ang mga larawan kasama ang kanyang pamilya habang nag-toast malapit sa kanilang Christmas tree.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate