Ellen Adarna, sinagot si Derek Ramsay na nais raw ipakita ang mukha ng kanilang anak: "Dont dyd!"

Ellen Adarna, sinagot si Derek Ramsay na nais raw ipakita ang mukha ng kanilang anak: "Dont dyd!"

- Sa kanyang post, inihayag ni Derek Ramsay na gustong-gusto niya sanang i-post ang mukha ng anak nila ni Ellen Adarna

- Gayunpaman, aniya ay malalagot siya sa kanyang misis kapag ginawa niya ang bagay na ito

- Sa naturang post ay sumagot din si Ellen at pabiro pang nagbabala sa asawa: "Dont dyd! Dont me"

- Matatandaang simula nang ipanganak ni Ellen ang anak na si Liana ay laging nakatakip ang mukha nito sa mga picture na binabahagi ng mag-asawa

Ikinatuwa ng netizens ang biroang sagutan nina Ellen Adarna at Derek Ramsay kaugnay sa pagbabahagi ng larawan ng kanilang anak na si Liana.

Ellen Adarna, sinagot si Derek Ramsay na nais raw ipakita ang mukha ng kanilang anak: "Dont dyd!"
Ellen Adarna, sinagot si Derek Ramsay na nais raw ipakita ang mukha ng kanilang anak: "Dont dyd!"
Source: Instagram

Sa isang post, inihayag ni Derek na nais niyang ipakita ang mukha ng kanilang anak sa social media. Gayunpaman, pabirong sinabi niyang maaaring "malagot" siya kay Ellen kung gagawin niya ito. Bilang tugon, nagkomento si Ellen ng, “Dont dyd! Dont me,” na umani ng libu-libong reactions mula sa kanilang followers.

Read also

Chito Miranda, ibinida ang picture nila ni Neri sa kanyang pagbati para sa Bagong Taon

Matatandaang mula nang ipanganak si Liana, nananatiling pribado ang mukha nito sa mga larawan at videos na ibinabahagi ng mag-asawa. Madalas ay nakatakip ang mukha ng bata, bagay na ikinapansin ng mga netizens.

Ellen Adarna, sinagot si Derek Ramsay na nais raw ipakita ang mukha ng kanilang anak: "Dont dyd!"
Ellen Adarna, sinagot si Derek Ramsay na nais raw ipakita ang mukha ng kanilang anak: "Dont dyd!"
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Minsan nang sinagot ni Ellen ang tanong ng isang netizen kung bakit hindi nila ipinapakita ang mukha ni Liana. Ipinaliwanag niya na ito ay para maiwasan ang tinatawag na "evil eye" o masamang tingin na maaaring makaapekto sa bata.

Samantala, patuloy naman ang masiglang pagpapakita ng mag-asawa ng kanilang pagmamahalan at saya bilang isang pamilya, na nagbibigay-inspirasyon sa kanilang mga tagahanga.

Si Ellen Adarna o Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay sa totoong buhay ay ang panganay na anak na babae ng isang prominenteng pamilya sa Cebu. Sila ay nagmamay-ari ng maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa Timog at pati na rin sa Manila at Davao. Isa din siyang kilalang modelo na nagsimula bilang isang sikat na social media celebrity na kinalaunan ay naging isa sa mga 'Star Magic' artist mula noong taong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.

Read also

Carlo Aquino sa misis na si Charlie: "Minahal niya ko, despite of everything na pinagdaanan ko"

Sa kanyang IG stories ay matatandaang sinagot ni Ellen ang tanong ng netizens sa kanya. Isa sa mga naitanong sa kanya ay patungkol sa mga haters at bashers. Naitanong sa kanya kung paano siya sa kanyang mga bashers. Direktang sinagot ni Ellen ang tanong na ito. "Kebs" daw siya sa mga ito dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa kanya.

Samantala, binahagi ni Ellen sa social media post niya ang video ng anak niyang si Elias na mas pinipiling tumabi kay Derek. Base sa video mukhang kuha ito sa loob ng eroplano kung saan makikita si Derek na nakaupo sa isang malaking airplane seat. Makikita si Elias na nakasiksik sa tabi ni Derek habang may pinapanood. Maririnig sa video ang pagpapabalik sa kanya sa upuan niya ngunit aniya ay mas gusto niyang matulog katabi ang kanyang "Papa D."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate