Yen Santos, may mensahe tungkol sa taong 2024: "The best and worst year rolled into one"
- Nagbahagi si Yen Santos sa Instagram ng mensaheng tinawag ang 2024 bilang "the best and worst year rolled into one"
- Matagal na nagpahinga si Yen sa showbiz at bumalik siya sa Instagram noong Oktubre matapos burahin ang lahat ng post
- Matatandaang nilinaw ni Paolo Contis na walang kinalaman si Yen sa hiwalayan nila ni LJ Reyes at sinabi niyang si Yen ay isang kaibigan lamang
- Nanatiling aktibo ang Instagram account ni Yen na may 2 milyong followers ngunit walang laman ang kanyang profile
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagbahagi ng post si Yen Santos sa pagtatapos ng 2024. Sa kanyang Instagram post nitong Martes, ibinahagi ni Yen ang mensahe: "2024!!! the best and worst year rolled into one. but I’ve got my eyes on 2025 and it’s looking pretty great!"
Matatandaang matagal nang nagpahinga si Yen sa showbiz at naging usap-usapan ang kanyang pananahimik, lalo na matapos ang kontrobersiya kaugnay ng kanyang pagkakaibigan sa aktor na si Paolo Contis. Noong Oktubre, bumalik siya sa Instagram, halos tatlong linggo matapos niyang burahin ang lahat ng nilalaman ng kanyang account. Bagama’t hindi pa siya nagpo-post ng larawan o video, aktibo pa rin ang kanyang account na may 2 milyong followers.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Kamakailan, ibinahagi ni Yen sa Instagram Story ang larawan ng dalawang libro—“The Silent Patient” at “The Maidens” ni Alex Michaelides—na kanyang planong basahin. Sa kabila ng kanyang pagbabalik sa social media, nananatiling walang laman ang kanyang profile, at hindi rin siya naka-follow sa sinuman.
Matatadaang nilinaw ni Paolo Contis na walang kinalaman si Yen sa breakup nila ni LJ Reyes. Ayon kay Contis: "She was never the reason of our breakup. I was." Dagdag pa niya, inanyayahan lamang niya si Yen sa Baguio bilang isang kaibigan sa panahong kailangan niya ng kausap.
Ang mga pangyayari ay patuloy na sinusubaybayan ng publiko, ngunit nananatiling tahimik si Yen tungkol sa mga kontrobersiya.
Si Lilieyen Santos o mas kilala sa kanyang screen name na Yen Santos ay isang Pinay actress. Una siyang nakilala nang mapabilang siya sa Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010. Siya ang gumanp bilang si Ysabel Espiritu sa seryeng Pure Love, ang Pihilippine adaptation nh Korean drama series na 49 Days.
Matapos siyang iugnay sa hiwalayang LJ Reyes at Paolo Contis, naging kontrobersiyal din si Yen. Sa katunayan, isa siya sa most searched celebrities sa Pilipinas sa Google Ph.
Samantala, nabanggit ng manager ni Paolo Contis na si Lolit Solis na si Yen umano ang sumusulsol sa aktor para huwag kausapin ni Paolo si Manay Lolit.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh