Dennis Trillo, nagbiro tungkol sa viral TikTok question na “May ABS pa ba?”
- Nagbahagi si Dennis Trillo ng parody tungkol sa viral TikTok question na “May ABS pa ba” sa kanyang Threads account
- Kinumpirma ni Dennis na na-hack ang kanyang TikTok account at iginiit na hinding-hindi siya magsasabi ng masama tungkol sa ABS-CBN
- Nanalo si Dennis bilang Best Actor sa MMFF 2024 para sa pelikulang Green Bones na itinanghal ding Best Picture
- Ibinigay ni Dennis ang kanyang premyo bilang Best Actor sa mga persons deprived of liberty na naging inspirasyon ng kanyang pelikula
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagbahagi ng parody ang Kapuso drama king na si Dennis Trillo tungkol sa viral TikTok question na “May ABS pa ba?” na minsang naging dahilan ng kontrobersya sa social media.
Nagdulot ito ng nakaaaliw na reaksyon mula sa mga netizen.
Sinagot ng kanyang fans ang biro, sinabing “May Dennis pa rin,” habang ang iba’y nagbanggit ng kanyang karakter bilang Domingo Zamora sa pelikulang Green Bones, kung saan nanalo siyang Best Actor sa MMFF 2024. Ang naturang pelikula rin ang itinanghal na Best Picture ng festival.
Matatandaang nakatanggap ng batikos si Dennis matapos lumabas ang tanong na ito sa kanyang TikTok page, kung saan tinanong siya ng isang netizen kung bakit hindi kasama ang kanyang asawang si Jennylyn Mercado sa GMA Station ID at kung totoo bang lilipat ito sa ABS-CBN.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Matatandaang pinabulaanan ni Dennis ang isyu, at ipinaliwanag na na-hack ang kanyang TikTok account. Iginiit niyang hinding-hindi siya magsasabi ng anumang bagay na hindi maganda tungkol sa ABS-CBN.
Pagkalipas ng isang buwan mula sa kontrobersya, nagkaharap sina Dennis at ang mga host ng It’s Showtime ng ABS-CBN sa GMA Gala 2024. Masaya nilang pinag-usapan ang kanilang entries para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024. Ayon kay Dennis, nananatili ang kanyang respeto sa ABS-CBN at patuloy siyang nagpapakumbaba.
Si Dennis Trillo, ay isang kilalang aktor, singer, at modelo sa Pilipinas. Siya ay tinaguriang "Kapuso Drama King" dahil sa kanyang husay sa pagganap sa mga teleserye at pelikula sa GMA Network, ang kanyang home network. Naging tanyag si Dennis dahil sa kanyang mga natatanging pagganap sa mga teleserye tulad ng My Husband’s Lover, kung saan ginampanan niya ang isang gay character na nagkaroon ng malaking impact sa industriya ng telebisyon.
Nagbigay ng aliw ang Kapuso Drama King na si Dennis sa kanyang mga tagahanga matapos sumali sa trending na "Maybe This Time" dance craze sa TikTok. Sa pagkakataong ito, sinama niya ang kanyang asawa na si Jennylyn Mercado sa nakakatawang dance cover.
Pinatunayan ng aktor ang kanyang malasakit sa kapwa matapos ipamahagi ang P100,000 cash prize na napanalunan niya bilang Best Actor sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) "Gabi ng Parangal." Ayon sa talent manager na si Jan Enriquez, ang donasyon ay gagamitin para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL).
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh