Aga Muhlach, kinapos umano ng puntos para ma-nominate sa MMFF awards
- Kinapos umano ng puntos si Aga Muhlach kaya hindi ito naging nominado manlang sa MMFF awards
- Ayon sa source ni Ogie Diaz, 13 jurors ang bumuboto sa kung sino-sino ang mga magiging nominado sa nasabing parangal
- Ganoon din ang nangyari kay Eugene Domingo na dalawa pa naman ang pelikula sa MMFF
- December 27 nang maganap ang Gabi ng parangal ng Metro Manila Film Festival ngayong taon
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Tila marami ang nagtataka kung bakit ilan sa mga de kalibreng artista na may pelikulang kalahok sa MMFF ay hindi manlang naging nominado sa anumang acting award.
Isa na rito si Aga Muhlach na inaasahan ng marami na magiging nominado bilang best actor para sa pelikulang 'Uninvited.'Isa na rito si Aga Muhlach na inaasahan ng marami na magiging nominado bilang best actor para sa pelikulang 'Uninvited.'
Ayon sa source ni Ogie, kinapos umano ng puntos si Aga para maging nominado bilang best actor.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Isang source ang nakausap natin mula sa MMFF na kinapos sa bilang ng boto si Aga Muhlach para mapabilang sa mga nominee."
Ganoon din umano ang nangyari kay Eugene Domingo na dalawa pa naman ang pelikulang kinabilangan sa MMFF 2024, ang 'Espantaho' na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos at 'And the Breadwinner is' ni Vice Ganda.
"Ang dahilan nila, tinanong ko nga ang aking source, bakit ganun e ang gagaling naman nina Aga Muhlach at Eugene Domingo sabi naman ng aking source, wala naman daw kwestyon doon, mahuhusay naman daw talaga, Kaya lang e 13 yung board of jurors na siyang boboto ng mga nominees at syempre ang kanilang scores ay bumabatay sa taas ng bilang ng kanilang boto sa mga hurado ano."
Narito ang kabuuan ng napag-alaman ni Ogie Diaz ukol sa nasabing isyu mula sa kanyang Showbiz Update channel:
Ogie Diaz ay isa sa mga kilalang showbiz reporter sa bansa. Katunayan, sa ang YouTube channel ni Ogie Diaz Showbiz Update sa mga pinakaaabangan linggo-linggo bilang source ng maiinit na mga showbiz balita.
Matatandaang nauna nang manghingi ng opinyon si Ogie sa publiko kung 'cooking show ba' o deserve naman ng mga nanalo sa 50th Metro Manila Film Festival ang kani-kanilang mga award.
Umani ito ng samu't saring mga reaksyon subalit marami pa rin ang nagsasabing deserve naman ng mga nanalo ang tropeyong naiuwi nila mula sa katatapos lamang na gabi ng parangal. Ilan sa mga nanalo sa gabing iyon ay sina Ruru Mardid, best supporting actor para sa pelikulang Green Bones, Judy Ann Santos, best actress para sa entry nila na 'Espantaho,' at si Dennis Trillo ang nagwagi bilang best actor sa pelikula nilang 'Green bones.' Sampu ang MMFF entry ngayong taon at sinasabing namamayagpag ang pelikula ni Vice Ganda na 'And the Breadwinner is.'
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh