Ogie Diaz sa MMFF: "Nanalong best picture pero hindi ang director?"
- Nagbigay komento si Ogie Diaz ukol sa umano'y mga nanalo sa 50th Metro Manila Film Festival
- Ito ay dahil matapos na manalo bilang best picture ng 'Green Bones,' hindi naman nagwagi bilang best director ang direktor nito
- Naikumpara tuloy ito ni Ogie sa isang masarap na ulam pero ang nagluto ng ibang putahe ang napuri
- Nauna nang humingi ng opinyon si Ogie Diaz sa publiko kung luto ba o deserve ng mga nanalo ang kanilang award mula sa MMFF ngayong taon
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Napa-comment si Ogie Diaz sa nanalong best picture at best director sa katatapos lamang na 50th Metro Manila Film Festival Awards night.
Sa kanyang Facebook story, natanong ni Ogie paano nangyaring ibang best director ang nanalo at hindi ang director ng best picture na 'Green Bones.'
"Paano kayo nasarapan sa kare-kare pero 'yung nagluto ng kaldereta ang pinuri niyo?"
Dalawa ang nagwaging best director subalit wala sa mga ito ang Green Bones director na si Zig Dulay.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sina Crisanto Aquino ng 'My Future You' at Michael Tuviera ng 'The Kingdom' ang mga nagwagi na siyang nakasungkit ng 2nd at 3rd best picture.
Narito ang kabuuan ng kanyang post na naibahagi rin ng The Scoop:
Si Ogie Diaz ay isa sa mga kilalang showbiz reporter sa bansa. Katunayan, sa ang YouTube channel ni Ogie Diaz Showbiz Update sa mga pinakaaabangan linggo-linggo bilang source ng maiinit na mga showbiz balita.
Matatandaang nauna nang manghingi ng opinyon si Ogie sa publiko kung 'cooking show ba' o deserve naman ng mga nanalo sa 50th Metro Manila Film Festival ang kani-kanilang mga award.
Umani ito ng samu't saring mga reaksyon subalit marami pa rin ang nagsasabing deserve naman ng mga nanalo ang tropeyong naiuwi nila mula sa katatapos lamang na gabi ng parangal. Ilan sa mga nanalo sa gabing iyon ay sina Ruru Mardid, best supporting actor para sa pelikulang Green Bones, Judy Ann Santos, best actress para sa entry nila na 'Espantaho,' at si Dennis Trillo ang nagwagi bilang best actor sa pelikula nilang 'Green bones.' Sampu ang MMFF entry ngayong taon at sinasabing namamayagpag ang pelikula ni Vice Ganda na 'And the Breadwinner is.'
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh