Chito Miranda ngayong Kapaskuhan: "Thank you po kasi never Niyo kami pinabayaan"
- Nagbigay ng makabuluhan at madamdaming mensahe si Chito Miranda ngayong Kapaskuhan
- Labis ang pasasalamat niya sa Diyos na hindi siya pinabayaan gayundin ang kanyang pamilya
- Matatandaang isa sa mga matitinding pagsubok na hinarap ng kanilang pamilya ay ang pagkakaaresto ng kanyang misis na si Neri Miranda
- Subalit nabigyan ito ng pagkakataong makapagpiyansa at makalaya bago ang Kapaskuhan
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ngayong Kapaskuhan, nagbigay ng makulay at puno ng pasasalamat na mensahe si Chito Miranda, ang kilalang lead vocalist ng Parokya ni Edgar.
Sa kanyang post, ipinaabot ni Chito ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa Diyos sa patuloy na paggabay at pag-aalaga sa kanilang pamilya.
Ayon kay Chito, ramdam nila ang pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng mga taong inilagay Niya sa kanilang paligid.
"Maraming, maraming salamat, Lord, for always taking care of us. Thank You po kasi never Nyo kami pinabayaan," pahayag ni Chito na umantig sa puso ng marami.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Binigyang-diin din ni Chito na ang pinakamahalagang regalo na natamo nila mula sa Diyos ay ang mga pamilya, kaibigan, at lahat ng mga taong nagmamahal sa kanila.
"Sila po talaga ang Pinakamahalagang regalo Mo sa pamilya namin, Lord," dagdag pa ni Chito, na nagpasalamat sa kanilang patuloy na suporta
Matatandaang isa sa mga matitinding pagsubok na hinarap ng kanilang pamilya ay ang pagkakaaresto ng kanyang misis na si Neri Miranda. Sa kabila nito, nanatili silang matatag at positibo, at patuloy na nagpapasalamat sa lahat ng biyaya at pagmamahal na natamo nila sa mga taong nagmamalasakit sa kanila.
Bilang pagtatapos ng kanyang mensahe, ipinahayag ni Chito at ng kanyang pamilya ang kanilang taos-pusong pagbati ng "Maligayang, maligayang Pasko sa inyong lahat."
Narito ang kabuuan ng post:
Si Chito Miranda ay ang bokalista ng isa sa mga kilalang banda sa Pilipinas, ang Parokya ni Edgar. Mula taong 1993, hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na nagbibigay ng saya at inspirasyon ang kanilang grupo na nagpasikat ng mga awiting "Harana", "Bagsakan", "Your Song" "Halaga", "Buloy" at marami pang iba.
Samantala, si Neri Naig Miranda o Nerizza Garcia Presnede Naig-Miranda sa tunay na buhay ay isang aktres na unang nakilala nang mapasali siya sa reality show ng ABS-CBN na Star Circle Quest. Tinanghal siyang 6th runner-up sa naturang talent search. Taong 2014 nang ikasal sila ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.
Nito lamang Disyembre 13, nagdiwang ng ikasampung anibersaryo ng kanilang kasal sina Neri at Chito
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh