BINI Aiah, tuloy ang "Aiahdvocacy"; nagbigay pamasko sa mga batang may cleft palate

BINI Aiah, tuloy ang "Aiahdvocacy"; nagbigay pamasko sa mga batang may cleft palate

  • Tuloy pa rin ang #Aiahdvocacy ni BINI Aiah Arceta
  • Bago ang kapaskuhan, binisita niya ang mga batang may cleft lip o cleft palate para magbigay saya at magbigay donasyon
  • Matatandaang noong nakaraang buwan, nagkaroon din ng outreach program si Aiah sa isang home for the elderly sa Quezon City
  • Si Aiah ay bahagi ng grupong BINI, ang all-female Ppop group na hinahangaan hindi lamang sa kanilang talento kundi dahil sa kabutihan ng kanilang puso

Dalawang araw bago ang kapaskuhan, Disyembre 23, nagbahagi ng mga eksena mula sa kanyang #Aiahdvocacy project si Aiah, isang miyembro ng kilalang P-pop group na #BINI, sa kanyang Instagram Stories.

BINI Aiah, tuloy ang "Aiahdvocacy"; nagbigay pamasko sa mga batang may cleft palate
BINI Aiah, tuloy ang "Aiahdvocacy"; nagbigay pamasko sa mga batang may cleft palate (BINI_aiah)
Source: Instagram

Sa post, ipinakita ni Aiah ang kanyang donasyon sa Operation Smile Philippines na tumutulong sa mga batang may cleft lip at cleft palate sa kanyang home province, ang Cebu. Ang nasabing foundation ay nagbibigay ng libreng operasyon at nangangalaga sa mga batang nangangailangan ng operasyon para sa kanilang cleft lip o palate. Hindi ito ang unang pagkakataon na nagbigay tulong si Aiah sa mga nangangailangan.

Read also

Nobyo ng 15 anyos na dalagitang mamatay matapos umanong mahalay, iniimbestigahan

Noong mga nakaraang buwan lamang, nagsagawa siya ng mga outreach program para sa mga bata sa Manila. Kamakailan, nagbigay saya at tulong din siya sa isang home for the elderly sa Quezon City.

Kasama rin sa kanyang mga proyekto ang coastal clean-up activities at pagtulong sa mga mangingisda sa La Union. Sa pamamagitan ng kanyang mga gawain, ipinapakita ni Aiah ang kanyang dedikasyon sa pagtulong sa kapwa at ang kanyang malasakit sa mga nangangailangan, lalo na sa mga bata at matatanda sa iba't ibang komunidad sa bansa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang ilang kaganapan sa kanyang programa na ibinahagi rin ng News 5:

Ang BINI ay isang PPop girl group na sika na sikat ngayon.Binubuo ito nina Aiah, Malai, Mikah, Colet, Stacey, Gwen, Jhoanna, at Sheena. Sila ang grupo sa likod ng popular na mga awiting "Pantropiko", "Salamin," "Huwag muna tayong umuwi," "Cherry on Top" at marami pang iba.

Matapos ang matagumpay at sold-out nilang 3-day concert noong Hunyo, Sinundan naman ito ngayon ng Grand BINIverse na ginanap sa Araneta Coliseum mula Nobyembre 16, 18 at 19. At kahit pa ginawa nilang tatlong araw ang naturang konsyerto, sold out pa rin ang tickets sa mga araw na ito.

Read also

Ivana Alawi, namigay ng pamasko sa mga street vendors na may mabubuting puso

Matatandaang minsan nang napuri ni Karen Davila ang grupo. Bukod umano sa husay ng mga ito sa kanilang larangan, kahanga-hanga ang kwento ng buhay ng bawat isa bago nila matamasa ang tagumpay ngayon. Sa naturang panayam din ni Karen sa grupo, naikwento ni Sheena ang pagpanaw ng ina sa kalagitnaan ng pandemic habang siya ay nasa training Star Hunt Academy.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: