Nadine Lustre at Christophe Bariou, nadismaya sa Taxidermy Exhibit ng Manila Zoo para kay Maali

Nadine Lustre at Christophe Bariou, nadismaya sa Taxidermy Exhibit ng Manila Zoo para kay Maali

  • Sina Nadine Lustre at Christophe Bariou ay naghayag ng pagkadismaya sa taxidermy exhibit ng elepanteng si Maali
  • Ang magkasintahan ay nanawagan ng respeto sa naging buhay at pagkamatay ni Maali
  • Sa Instagram, sinabi nilang hindi nararapat gawing pampublikong eksibisyon ang katawan ng elepante
  • Si Maali ay naging simbolo ng mahirap na kalagayan ng mga hayop sa zoo bago ito pumanaw noong 2023

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Ipinahayag nina Nadine Lustre at Christophe Bariou ang kanilang pagkadismaya sa plano ng Manila Zoo na gawing taxidermy exhibit ang labi ng elepanteng si Maali. Para sa magkasintahan, hindi nararapat gawing eksibit ang katawan ni Maali, na tinaguriang “world’s saddest elephant,” bilang paggalang sa kanyang naging buhay.

Nadine Lustre at Christophe Bariou, nadismaya sa Taxidermy Exhibit ng Manila Zoo para kay Maali
Nadine Lustre at Christophe Bariou, nadismaya sa Taxidermy Exhibit ng Manila Zoo para kay Maali
Source: Instagram

Sa kanilang Instagram accounts noong Sabado, Disyembre 21, ipinaabot nila ang kanilang saloobin. Ibinahagi ni Lustre ang balita tungkol sa exhibit at sinabi, “Maali’s legacy deserves respect, not display. Let her rest in peace!” Sa parehong tono ng pagkondena, sinabi naman ni Bariou, “Even after death, you choose not to show the minimal decency that Maali deserves, despite her lifetime of suffering. Shame on you.”

Read also

Barbie Forteza, ibinida ang napundar na family home: ‘B Casa is now ours’

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Maali, na dumating sa Pilipinas noong 1977, ang naging simbolo ng mga elepanteng naninirahan sa zoo sa ilalim ng hindi angkop na kondisyon. Pumanaw siya noong 2023 matapos ang maraming taon ng panghihikayat ng mga animal rights groups na siya’y ilipat sa isang wildlife sanctuary.

Habang may mga sumusuporta sa exhibit bilang paraan ng pagpupugay sa yumaong elepante, mariing naninindigan ang ilang sektor na mas nararapat si Maali na bigyan ng tahimik na pagpapahinga kaysa gawing bahagi ng pampublikong eksibisyon.

Si Nadine Lustre ay isang aktres, product endorser at recording artist. Siya ang kapareha ni James Reid sa ilang pelikula at teleserye. Kilala ang kanilang tambalan sa bansag na JaDine. Gayunpaman, inamin ng magkasintahan na hiwalay na sila noong January, 2020.

Matatandaang magkasama sina James Reid at Issa Pressman na nanood ng concert ni Harry Styles. Sa unang pagkakataon ay nagbahagi si Issa ng picture nilang magkasama na tila magkahawak-kamay.

Read also

Paolo Valenciano sa lagay ng ama: "I’m still trying to process everything"

Samantala, si Maricel Soriano ang kauna-unahang celebrity guest ni Nadine sa kanyang YouTube channel. Matatandaang nauna nang nag-guest si Nadine sa vlog ni Maricel kamakailan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate