Ice Seguerra, kinaaliwan sa kanyang todo-bigay na 'Salamin' dance
- Kinaaliwan ang energetic na pagsasayaw ni Ice Seguerra sa reception ng kasal nina Jose Manalo at Mergene Maranan kamakailan
- Bukod sa kanyang todo-bigay na kembot ay kabisado nito ang dance steps ng 'Salamin' na pinasikat ng grupong Bini
- Hirit pa ni Ice sa kanyang caption ng naturang video ay 20K daw ang grand prize ng best dance performance
- Umabot sa mahigit 3 million views ang video na ito na binahagi ni Ice sa kanyang Facebook account
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Kinaaliwan ng netizens ang enerhiya at galing ni Ice Seguerra sa pagsasayaw ng viral na “Salamin” dance ng grupong BINI sa reception ng kasal nina Jose Manalo at Mergene Maranan kamakailan. Sa video na ibinahagi ni Ice sa kanyang Facebook account, makikitang kabisado niya ang bawat galaw at todo-bigay sa bawat kembot, na naging dahilan upang umani ito ng mahigit 3 milyong views.
Sa kanyang caption, pabirong sinabi ni Ice na may grand prize daw na 20K pesos para sa best dance performance, na lalo pang nagpasaya sa mga tagahanga at followers niya. Pinuri ng marami ang pagiging game ng singer-actor sa ganitong klaseng kasiyahan, na nagdala ng ngiti at good vibes sa social media.
Bukod sa talento sa musika, patuloy na pinapakita ni Ice ang kanyang masayang personalidad na kinagigiliwan ng maraming Pilipino.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Ice Seguerra ay isang singer at aktor sa Pilipinas. Sumikat siya nang maging bahagi ng Eat Bulaga na kinagiliwan ng marami. Produkto siya ng Little Miss Philippines na bahagi ng "Eat Bulaga" kung saan mga cute at talentadong mga batang babae ang nagiging kalahok upang ibahagi ang kanilang talento at talino at magbigay saya at inspirasyon sa mga manonood.
Kamakailan ay buong tapang na ibinahagi ni Ice ang tungkol sa 17 taon niyang pakikipaglaban sa depresyon. Aniya, matagal na niya itong dinaranas bagay na hindi pa niya lang alam noon kung ano ang tawag. Isa sa pinakamatinding epekto nito ay ang kasagsagan ng pandemya kung saan naisipan niyang bawiin ang sariling buhay. Laking pasalamat naman niya sa kanyang kaibigan at misis na malawak ang pang-unawa sa kanyang pinagdaanan.
Kinaaliwan kamakailan ang pag-post si Sylvia Sanchez ng video kung saan ginising niya si Ice na natutulog. Ito ay para umano palipatin si Ice sa bitbit niyang stroller na hiniram niya sa anak ni Smokey Manaloto. Matapos magising ay wala namang nagawa si Ice kundi sakyan na lang ang biro ni Sylvia. Ani Silvia, ang totoong pagkakaibigan ay asaran at walang pikunan.
Source: KAMI.com.gh