Kris Lawrence at Katrina Halili, todo-suporta sa performance ni Katie
- Binahagi ni Kris Lawrence ang isang video kung saan makikitang parehas silang dumalo ni Katrina Halili sa isang event kung saan kumanta ang anak nilang si Katie
- Hindi man sila nagkatuluyan ay maayos ang co-parenting setup nina Kris at Katrina na kapwa supportive sa anak nila
- Makikita si Kris na proud na kumukuha ng video habang kumakanta ang anak
- Si Katrina naman ay may hawak ding mikropono at sinasabayan si Katie para magabayan ito sa kanyang kanta
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Hindi maikakaila ang pagmamahal at suporta nina Kris Lawrence at Katrina Halili sa kanilang anak na si Katie, na kamakailan ay nagpakitang-gilas sa isang event kung saan siya ay kumanta. Sa ibinahaging video ni Kris, makikita silang parehas na dumalo ni Katrina upang suportahan ang anak sa mahalagang okasyon.
Habang kumakanta si Katie, makikitang proud na proud si Kris na kinukunan ito ng video. Si Katrina naman ay aktibong sinasabayan si Katie gamit ang mikropono upang magabayan ang kanyang anak sa pagtatanghal nito. Patunay ito ng maayos na co-parenting setup ng dating magkasintahan, na nananatiling magkaibigan para sa kapakanan ng kanilang anak.
Umani naman ng positibong komento ang video mula sa mga netizens:
"Why am I emotional every time I see them Kris and Katie?"
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"I wish every co-parenting can be this sweet like they are friends for the sake of their child."
"Feel so emotional seeing Kris Lawrence and Katrina how they support and love Katie. God bless you, Katie. I feel so proud of you and your parents!"
Tunay ngang inspirasyon ang pamilya nina Kris at Katrina sa kanilang pagmamahal at suporta para kay Katie.
Si Katie ay anak ni Kris sa aktres na si Katrina Halili. Siya ay nakilala sa Starstruck, isang talent search sa GMA-7. Ipinanganak niya si Katrence noong September 2012.
Matatandaang binahagi Katrina ang isang pasilip sa kanyang pinagawang bahay. Siya mismo daw ay naging hands-on sa pamimili ng mga materyales at furnitures sa kanyang bahay sa tulong ng kanyang mga kaibigan. Namalagi daw sila ni Katie sa bahay ng celebrity manager na si Van Sayosa sa loob ng dalawang buwan habang ginagawa ang kanyang bahay.
Matatandaang naging usap-usapan at palaisipan sa mga netizens ang tunay na relasyon nina John Lloyd Cruz at Katrina. Ito ay matapos ibahagi ni Katrina ang kanilang mga litrato na kasama nila maging ang anak ng aktor sa dating karelasyon na si Ellen Adarna. Sa isang Showbiz News Update episode ni Ogie Diaz, napag-alamang magkaibigan lamang ang dalawa. Ang karelasyon umano ni Katrina ang malapit na kaibigan din ng aktor kaya maging sila ay naging magkaibigan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh