Kathryn at Alden sa Hello Love Again: "Patapos na tayo so Joy and Ethan, signing off"

Kathryn at Alden sa Hello Love Again: "Patapos na tayo so Joy and Ethan, signing off"

- Labis labis ang pasasalamat ni Kathryn Bernardo sa lahat ng sumuporta sa kanilang pelikula ni Alden Richards

- Halos hindi siya makapaniwala na makalipas ang isang buwan ay mapapanood pa ito sa daan-daan pang sinehan sa buong mundo

- Nagtala sa kasaysayan ang pelikulang Hello Love Again matapos na pumalo nito sa takilya lumampas na sa isang bilyon ang kinita

- Ang Hello Love Again ang pinakaabangan noong sequel ng Hello Love Goodbye

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Matapos ang makasaysayang pagpapalabas ng pelikulang "Hello, Love, Again" sa mga sinehan sa buong mundo, magkasama na nagpaalam sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa kanilang mga karakter na sina Joy at Ethan noong Biyernes, Disyembre 13.

Unang ipinakita ng dalawa ang kanilang mga karakter sa pelikulang "Hello, Love, Goodbye" noong 2019, at ngayon ay muling nagbalik sa kanilang mga papel para sa sequel ng nasabing pelikula.

Kathryn at Alden sa Hello Love Again: "Patapos na tayo so Joy and Ethan, signing off"
Kathryn at Alden sa Hello Love Again: "Patapos na tayo so Joy and Ethan, signing off" (ABS-CBN News)
Source: Youtube

Ang "Hello, Love, Again", na idinirek ni Cathy Garcia-Sampana, ay nagtala ng kasaysayan bilang kauna-unahang pelikulang Pilipino na nakapag-gross ng higit sa isang bilyong piso sa buong mundo.

Read also

Ogie Diaz, may komento sa poster ng "And The Breadwinner is.."

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, umabot sa P1.4 bilyon ang kinita ng pelikula hanggang noong Disyembre 1, isang rekord na nagpapakita ng patuloy na pagtaas ng interes at suporta ng mga manonood sa mga pelikulang Pilipino.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Grabe yung naging journey niya. But hindi lang naman kami 'toh. Lahat ng mga taong tumulong sa amin and nagpakita ng suporta ever since we did 'yung movie announcement up until now," ani Kathryn.

"Patapos na tayo so, Joy and Ethan, signing off!" dagdag pa niya.

"This has been Ethan del Rosario. This has been Joy Marie Fabregas, officially signing off," nang ulitin naman ito nina Kathryn at Alden.

Si Kathryn Bernardo ay isa sa mga sikat na aktres sa Pilipinas na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang kanilang tambalan bilang "KathNiel."

Read also

Maris at Anthony, kasama na muli sa poster ng MMFF movie ni Vice Ganda

Samantala, minsan nang nabanggit ni Ogie Diaz ang nalaman umano niya sa kanyang source na tuloy na ang part 2 ng Hello Love Goodbye na ang lokasyon naman ay sa Canada. Kalaunan ay kinumpirma na ito at may title na "Hello Love Again." Kaya namang ngayong showing na ang naturang pelikula, inaasahang tatabo na naman ito ng milyon sa takilya.

Matatandaang ang Hello Love Goodbye nina Alden Richards at Kathryn Bernardo ay minsan nang naging highest grossing film sa bansa bago pa man ito masungkit ng 'Rewind' nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Naging pambato sa Metro Manila Film Festival noong 2023.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica