Yasmien Kurdi, muling naglabas ng saloobin kaugnay sa umano'y pangbubully sa anak

Yasmien Kurdi, muling naglabas ng saloobin kaugnay sa umano'y pangbubully sa anak

- Muling ibinahagi ni Yasmien Kurdi ang kanyang saloobin ukol sa umano'y pangbubully na dinanas ng kanyang anak

- Ayon sa kanya, pinilit ang kanyang anak na baguhin ang personalidad at humingi ng tawad sa mga nambully

- Sinabi rin ni Yasmien na hindi niya maunawaan kung bakit may mga magulang na pinapanigan ang mga nambubully

- Nanawagan siya sa mga magulang na maging mapagmatyag at palaging alalayan ang kanilang mga anak sa ganitong sitwasyon

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Emosyonal na ibinahagi ni Yasmien Kurdi ang kanyang saloobin kaugnay sa sinasabing karanasang pangbubully na dinanas ng kanyang anak. Sa kanyang social media account, isinalaysay niya ang insidente na labis niyang ikinalungkot bilang isang ina.

Yasmien Kurdi, muling naglabas ng saloobin kaugnay sa umano'y pangbubully sa anak
Yasmien Kurdi, muling naglabas ng saloobin kaugnay sa umano'y pangbubully sa anak
Source: Facebook

"This is exactly what happened to my child," ani Yasmien sa kanyang post na may kalakip na pusong wasak na emoji. Ayon sa kanya, ang kanyang anak ay napilitang baguhin ang kanyang personalidad, mag-sorry sa mga nambully sa kanya, at napaniwalang siya ang may problema bilang estudyante at opisyal.

Read also

Yasmien Kurdi, di napigilang maiyak sa umano'y dinanas ng anak

Dagdag pa ni Yasmien, hindi niya maunawaan kung bakit may mga magulang na pinapanigan ang mga nambubully. “Obviously, if it’s 7 or more vs 1, so alam mo na sino,” aniya. Nanawagan siya sa mga magulang na maging mapagbantay at siguraduhing laging naroon para sa kanilang mga anak.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sinabi rin ng aktres na nais sana niyang magbahagi ng masasayang alaala ng kanilang paglalakbay sa Japan, ngunit ang sitwasyong ito ay nagdulot sa kanya ng lungkot. “Gusto ko sana maging masaya… mag-post ng mga photos namin sa Japan. Pero nalulungkot ako,” dagdag niya.

Maraming netizens ang nagpahayag ng suporta kay Yasmien, habang ang ilan ay nagbahagi rin ng kanilang sariling karanasan ukol sa bullying. Samantala, wala pang pahayag mula sa eskuwelahan o sa mga magulang ng mga sinasabing nambully sa anak ng aktres.

Patuloy na nananawagan si Yasmien para sa mas ligtas at mas makataong kapaligiran para sa mga kabataan, at umaasa siyang hindi na mararanasan ng iba ang sinapit ng kanyang anak.

Read also

Yasmien Kurdi, nanindigan para sa anak na biktima umano ng bullying

Si Yasmien Yuson Kurdi-Soldevilla ay sumikat bilang isang pop singer, songwriter, actress at model. Kabilang siya sa final four ng unang season ng reality-based talemt search sa GMA na Starstruck. Tinanghal siyang first runner-up sa naturang show.

Kabilang si Yasmien sa mga artistang nagdalamhati sa pagpanaw ng news anchor na si Mike Enriquez. Nagbigay-pugay si Yasmien sa beteranong broadcaster sa pamamagitan ng isang Facebook post. Nabanggit niya ang tungkol sa magandang katangian ni Mike.

Samantala, kamakailan ay binahagi ni Yasmien ang balita tungkol sa kanyang pagdadalang-tao. Buntis siya sa pangalawang anak nila ng kanyang asawang si Rey Soldevilla Jr. Sa kanyang post ay binahagi niya ang kanilang family picture kasama ang sonogram ng kanilang baby.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate