Anak ni Yasmien Kurdi na si Ayesha, hinangaan sa tagumpay sa Oratorical Competition
- Nanalo si Ayesha Zara Soldevilla, anak ni Yasmien Kurdi, ng 1st place sa Oratorical Competition
- Ibinahagi ni Yasmien ang kanyang labis na pagmamalaki sa social media dahil sa tagumpay ng anak
- Pinuri ni Yasmien ang talento ni Ayesha sa public speaking na nakita na niya mula pagkabata
- Pasasalamat ang ipinaabot ni Yasmien sa mga teachers ng anak na tumulong sa paghasa ng kanyang kakayahan
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Hinangaan ng marami ang anak ng aktres na si Yasmien Kurdi na si Ayesha Zara Soldevilla matapos niyang masungkit ang unang pwesto sa isang Oratorical Competition kamakailan. Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Yasmien ang labis na kasiyahan at pagmamalaki sa natamo ng kanyang anak.
Ayon kay Yasmien, kitang-kita na niya ang potensyal ni Ayesha sa public speaking mula pa noong bata ito. "I am so incredibly proud of my amazing daughter! Watching her shine and deliver such a powerful performance fills my heart with joy," pahayag ng aktres sa kanyang post.
Ibinahagi rin ni Yasmien na bagamat hindi pinayagan ang mga magulang sa loob ng teatro, nakinig sila mula sa labas at napanood ang performance ng anak sa mga video na kuha ng mga teacher ni Ayesha. "You inspire us every day to reach for the stars! Your dad and I are your biggest fans," dagdag pa ni Yasmien.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Malaki rin ang pasasalamat ng aktres sa mga teacher ni Ayesha na tumulong upang mahasa ang talento ng kanyang anak. "Keep shining, pretty girl!" ani pa niya bilang mensahe ng suporta at pagmamahal.
Si Yasmien Yuson Kurdi-Soldevilla ay sumikat bilang isang pop singer, songwriter, actress at model. Kabilang siya sa final four ng unang season ng reality-based talemt search sa GMA na Starstruck. Tinanghal siyang first runner-up sa naturang show.
Kabilang si Yasmien sa mga artistang nagdalamhati sa pagpanaw ng news anchor na si Mike Enriquez. Nagbigay-pugay si Yasmien sa beteranong broadcaster sa pamamagitan ng isang Facebook post. Nabanggit niya ang tungkol sa magandang katangian ni Mike.
Samantala, kamakailan ay binahagi ni Yasmien ang balita tungkol sa kanyang pagdadalang-tao. Buntis siya sa pangalawang anak nila ng kanyang asawang si Rey Soldevilla Jr. Sa kanyang post ay binahagi niya ang kanilang family picture kasama ang sonogram ng kanilang baby.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh