Ogie Diaz, may komento sa poster ng "And The Breadwinner is.."

Ogie Diaz, may komento sa poster ng "And The Breadwinner is.."

- Nagbigay ng opinyon si Ogie Diaz ukol sa poster ng pelikulang And The Breadwinner Is... at iminungkahing panatilihin ang larawan ni Anthony Jennings

- Ayon kay Ogie, mahalagang ipakita ang suporta sa isa’t isa bilang mga artista, anuman ang isyung kinakaharap

- Binanggit din niya ang prinsipyo ng pagiging magulang na nagtatama ngunit hindi tumatalikod sa anak

- Naging usap-usapan sa social media ang kanyang komento na humakot ng sari-saring reaksyon mula sa netizens

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagbigay ng opinyon si Ogie Diaz tungkol sa kontrobersyal na poster ng pelikulang And The Breadwinner Is... kung saan tampok sina Maris Racal at Anthony Jennings. Sa kanyang pahayag, iminungkahi ni Ogie na panatilihin ang larawan ni Anthony sa poster dahil ito umano ay bahagi ng proyekto at nakasama ni Maris mula simula.

Ogie Diaz, may komento sa poster ng "And The Breadwinner is.."
Ogie Diaz, may komento sa poster ng "And The Breadwinner is.."
Source: Instagram

"Kung ako lang ang masusunod, ang gagawin ko: ire-retain ko ang picture ni Anthony Jennings, tutal, andiyan si Maris," ani Ogie. Dagdag pa niya, mahalaga ang pagpapakita ng suporta sa isa’t isa, anuman ang mga isyung kinakaharap ng mga artista.

Read also

Yasmien Kurdi, di napigilang maiyak sa umano'y dinanas ng anak

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Aniya, dapat tularan ang ginawa ng mga endorsement ni Maris na hindi siya iniwan, "parang produkto ng Snail White at Belo Medical Group" na hindi nang-iwan. Nilinaw rin niya ang kahalagahan ng prinsipyo ng pagiging magulang: "Parang tatay sa anak. Nagkamali ang anak. Pagagalitan, pangangaralan, pero hindi tatalikuran."

Ang komento ni Ogie ay nagdulot ng diskusyon sa social media, kung saan maraming netizen ang nagpahayag ng kani-kanilang opinyon tungkol sa isyu.

Si Mariestella "Maris" Cañedo Racal ay isang 23 anyos na Pinay actress, singer-songwriter, host, vlogger at endorser. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Lumaki siya sa pamilyang mahilig sa musika at natutong tumugtog ng gitara sa murang edad.

Napakomento si Maris sa mga larawang kuha ng isang fan na nanood ng Summer MMFF 2023 Parade of Stars. Makikitang blurred lahat ng kuha ng fan sa mga artistang nakasama niya sa picture. Bukod kay Maris, malabo rin ang kuha ng fan na nakasama sa larawan sina Enchong Dee at Kylie Padilla. Kaya naman hiling ni Maris na makita muli ito upang maayos silang makakuha ng picture.

Read also

Davao Conyo, sinupalpal ang netizen na humiling ng content tungkol kay Maris Racal

Sa unang pagkakataon, nagsalita si Maris Racal tungkol sa nag-viral na larawan kung saan kapansin-pansin ang magkaparehas nilang sapatos ng aktor na si Anthony Jennings. Agad na naging usap-usapan sa social media ang litrato, na nagdulot ng samu't saring haka-haka mula sa mga netizens.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate