Pelikulang 'Sunshine' ni Maris Racal, pasok sa prestihiyosong Palm Springs Int’l Film Festival

Pelikulang 'Sunshine' ni Maris Racal, pasok sa prestihiyosong Palm Springs Int’l Film Festival

- Pasok ang pelikulang "Sunshine" ni Direk Antoinette Jadaone sa Palm Springs International Film Festival sa World Cinema Now section

- Ginagampanan ni Maris Racal ang papel ng isang batang gymnast na natuklasang buntis bago ang national tryouts

- Nominado ang pelikula para sa Best Youth Film sa 17th Asian Pacific Screen Awards

- Layunin ng pelikula na talakayin ang teenage pregnancy bilang mahalagang isyu sa lipunang Pilipino

Pasok sa Palm Springs International Film Festival sa Estados Unidos ang pelikulang “Sunshine” na idinirek ni Antoinette Jadaone. Napili ito bilang bahagi ng World Cinema Now section, at ito ang US premiere ng pelikula, na itinuturing na isa sa mga prestihiyosong film festival sa Amerika.

Pelikulang 'Sunshine' ni Maris Racal, pasok sa prestihiyosong Palm Springs Int’l Film Festival
Pelikulang 'Sunshine' ni Maris Racal, pasok sa prestihiyosong Palm Springs Int’l Film Festival
Source: Instagram

Ang “Sunshine”, isang psychological sports drama, ay tumatalakay sa kuwento ng isang batang gymnast na ginagampanan ni Maris Racal. Sa gitna ng kanyang paghahanda para sa national tryouts, natuklasan niyang siya ay buntis, na nagdulot ng matitinding pagsubok sa kanyang karera at personal na buhay.

Read also

Michael Bublé, nagpahayag ng paghanga kay Sofronio Vasquez matapos ang performance nito sa finale

Bukod kay Racal, tampok din sa pelikula sina Elijah Canlas, Xyriel Manabat, Jennica Garcia, Annika Co, at Meryll Soriano. Nominado rin ang pelikula sa Best Youth Film category sa 17th Asian Pacific Screen Awards.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon kay Direk Jadaone, layunin ng pelikula na magbigay-liwanag sa mga kuwento ng kabataang babae na naharap sa teenage pregnancy, isang usaping madalas iwasan ngunit mahalagang talakayin sa lipunang Pilipino. Sa higit isang taong pagsasanay ni Racal para sa papel, ipinamalas niya ang dedikasyon sa pagbibigay-buhay sa karakter ni Sunshine.

Si Mariestella "Maris" Cañedo Racal ay isang 23 anyos na Pinay actress, singer-songwriter, host, vlogger at endorser. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Lumaki siya sa pamilyang mahilig sa musika at natutong tumugtog ng gitara sa murang edad.

Napakomento si Maris sa mga larawang kuha ng isang fan na nanood ng Summer MMFF 2023 Parade of Stars. Makikitang blurred lahat ng kuha ng fan sa mga artistang nakasama niya sa picture. Bukod kay Maris, malabo rin ang kuha ng fan na nakasama sa larawan sina Enchong Dee at Kylie Padilla. Kaya naman hiling ni Maris na makita muli ito upang maayos silang makakuha ng picture.

Read also

Snail White PH, nanindigang panatilihin si Maris Racal bilang endorser

Sa unang pagkakataon, nagsalita si Maris Racal tungkol sa nag-viral na larawan kung saan kapansin-pansin ang magkaparehas nilang sapatos ng aktor na si Anthony Jennings. Agad na naging usap-usapan sa social media ang litrato, na nagdulot ng samu't saring haka-haka mula sa mga netizens.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: