Candy Pangilinan, emosyonal na pinasalamatan ang lahat ng tumulong sa paghahanap kay Quentin

Candy Pangilinan, emosyonal na pinasalamatan ang lahat ng tumulong sa paghahanap kay Quentin

- Ayon kay Candy Pangilinan, nakita nila agad ang kanyang anak na si Quentin ilang minuto matapos ang kanyang post sa Facebook tungkol sa pagkawala nito

- siya sa mga nagdasal, nagpadala ng mensahe, at tumulong sa paghahanap sa Greenhills Shopping Mall

- Pinapurihan niya ang grupo ng mga teachers na mabilis na kumilos at tumulong kay Quentin nang mapansin nilang kailangan nito ng tulong

- Binigyang-diin niya ang malasakit ng mga teachers at seguridad ng mall na naging malaking bahagi sa mabilis na paglutas ng sitwasyon

Nagbigay ng taos-pusong pasasalamat si Candy Pangilinan sa lahat ng nagdasal at tumulong matapos matagpuan ang kanyang anak na si Quentin, ilang minuto lamang matapos siyang mag-post sa Facebook tungkol sa pagkawala nito.

Candy Pangilinan, emosyonal na pinasalamatan ang lahat ng tumulong sa paghahanap kay Quentin
Candy Pangilinan, emosyonal na pinasalamatan ang lahat ng tumulong sa paghahanap kay Quentin
Source: Instagram

Sa isang emosyonal na post, pinasalamatan ni Candy ang kanyang mga kaibigan, pamilya, at mga tagasuporta na agad nag-alay ng panalangin. “Thank you for all your prayers. Just minutes after I posted, we found Quentin!” ani niya, bakas ang labis na pasasalamat sa kanyang mensahe.

Read also

John Lapus, usap-usapan dahil sa post: “Baka ilabas ko ang mga Globe Tracker pics & vids”

Binigyang-diin din ni Candy ang malaking tulong ng mga security guard ng Greenhills Shopping Mall sa pagsuyod ng lugar upang mahanap si Quentin. "Their patience and assistance in helping me look for Quentin meant so much during this stressful time," dagdag niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Pinapurihan din niya ang grupo ng mga teachers na nakakita at tumulong kay Quentin. Ayon sa aktres, napansin ng mga ito na nangangailangan ng tulong ang bata at agad silang kumilos. “Their quick action made all the difference,” ani Candy. Inilarawan niya ang kanilang malasakit at malasayan bilang isang inspirasyon, at binigyang pugay ang mga teachers sa kanilang hindi matatawarang dedikasyon.

Sa huli, ipinaabot ni Candy ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nagpaabot ng tulong, mula sa mga nagpadala ng mensahe hanggang sa mga personal na tumulong sa paghahanap. “To all who messaged me, thank you,” saad niya.

Ang insidente ay nagsilbing paalala ng kahalagahan ng pagkakaisa at malasakit sa panahon ng pagsubok, na ikinatuwa ng maraming netizens na nagpaabot din ng kanilang suporta kay Mommy Candy at Quentin.

Read also

Jam Villanueva, nagbigay ng payo sa follower na naging “side chick”: “Don’t be that girl please”

Si Maria Carmela Espiritu Pangilinan o mas kilala sa screen name niyang Candy Pangilinan ay isang aktres at komedyante. Ginawaran siya ng parangal bilang best actress sa CineFilipino 2016 at Los Angeles International Film Festival para sa pelikulang Star Na Si Van Damme Stallone.

Matatandaang ibinahagi ni Candy na tinamaan muli siya ng COVID-19 sa ikalawang pagkakataon. Disyembre ng 2020 siya unang tinamaan ng COVID kung saan asymptomatic naman daw siya. Ngunit ngayon, nanghina siya, sumakit ang ulo at katawan at nagkaroon din ng sipon at ubo.

Matapos niyang ibahagi ang pagpositibo niya sa COVID sa pangalawang pagkakataon, minabuti ni Candy na alamin kung may kasama pa siya sa bahay na tinamaan din ng COVID. Sa kabila kasi ng kanyang pag-iisolate, posibleng mayroon din ang kanyang kasamahan sa bahay dahil nakasalamuha niya ang mga ito bago niya natuklasang may COVID siya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate