John Arcilla, may makabuluhang post: "Ok na ba ang lahat? Malinaw na?"
- Nagbigay paalala ang aktor na si John Arcilla ukol sa umano'y isang mainit na isyung pinag-uusapan ngayon
- Isa ay ang pagkatuto nating ng leksyon sa buhay sa maraming paraan
- Ang mga personalidad na ito ay tila kinatawan lang natin umano sa sitwasyong minsan din naranasan ng ilan
- Paalala niyang lahat ay nagkakamali kaya naman bigyan sana ang bawat isa na makabangon
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagbigay pahayag ang aktor na si John Arcilla ukol sa isa umanong mainit na isyung pinag-uusapan ngayon.
Maraming aral ang ibinahagi ni John sa naturang sitwasyon na nasasalamin sa mga napagdadaanan ng tao lalo na sa kanilang kabataan.
Pinaalala rin niyang bawat isa sa atin ay nagkakamali kaya naman bigyang pagkakataon din ang mga tinutukoy na indibidwal na makabangon sa kung anoman ang kinahaharap.
Isa sa mga makabuluhan niyang paalala ay ang mga katagang ""Don’t wish them bad, wish them consciousness"
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Ok na ba ang lahat? Malinaw na? Gusto ko sana sabihin patawarin na natin sila, pero wala naman tayong KAILANGAN PATAWARIN SA KANILANG TATLO DAHIL WALA NAMAN SILANG NAGING KASALANAN SA ATIN. They did what they did at that time because that is what THEY THOUGHT are the BEST THINGS to do nung tumatawid sila sa pagkakataong iyon AT ITO NGA ANG NAGING RESULTA. We LEARN our lessons in many ways. Mga bata pa sila, dumaan din naman tayo sa ganyan."
Narito ang kanyang naging pahayag:
Si John Arcilla o Romeo Gonzales Arcilla sa totoong buhay ay isang aktor at environmental advocate. Si John ay mula sa angkan ng dating Pangulong Manuel L. Quezon. Mas nakilala si John sa mahusay na pagganap niya bulang si Heneral Luna.
Matatandaang kamakailan lamang ay una na siyang nagbigay pahayag ukol sa umano'y pagbabasa ng private messages. Aniya, siya mismo ay nahiya bilang nakibasa sa isang private conversation at hindi niya umano ito tinapos dahil sa awkward na pakiramdam. Naitanong niya kung bakit hindi pa nagawang burahin ang palitan ng mensahe na animo'y mayroon pa umanong balak.
Samantala, kasabay ng maiinit na isyung pinatutungkulan ni John ay ang biyayang natanggap sa pagkapanalo niya bilang Most Versatile Actor of the Year Award mula sa World Class Philippines Global Awards Council.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh