Candy Pangilinan, humihingi ng tulong na mahanap si Quentin: "Bigla siya tumakbo"
- Humingi ng tulong si Candy Pangilinan matapos mawala ang anak niyang si Quentin
- Aniya, nasa greenhills sila nang biglang tumakbo ang anak niya at hindi na nila mahanap
- Sa isang post ilang minuto ang nakalipas ay nagbigay ng update si Candy na nagsabing nahanap na nila si Quentin
- Pinasalamatan niya ang aniya'y 'kind girl' na nakahanap sa kanya
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagpahayag ng matinding pag-aalala ang aktres na si Candy Pangilinan matapos mawala ang anak niyang si Quentin habang nasa Greenhills. Sa isang post sa social media, nanawagan siya ng tulong sa publiko upang mahanap ang anak.
Aniya, "Nawawala si Quentin. Pa help pls. We are at Greenhills. Bigla siya tumakbo kasama driver."
Ilang minuto matapos ang panawagan, nagbigay ng magandang balita si Candy sa kanyang followers. Natagpuan na umano si Quentin sa tulong ng isang mabait na kabataan. Sa kanyang pasasalamat, sinabi niya, “We found Quentin. Thank you to the kind girls who found him.”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Maraming netizen ang nagpaabot ng kanilang suporta kay Candy at nagpasalamat na agad natagpuan si Quentin. Ayon sa ilang komento, ang insidente ay isang paalala na laging bantayan ang mga bata, lalo na kung sila’y nasa pampublikong lugar.
Matatandaang si Candy ay palaging bukas sa pagbabahagi ng kanilang pamilya, partikular sa pag-aalaga kay Quentin, na may special needs. Marami ang humanga sa pagiging positibo ng aktres kahit sa gitna ng mga hamon sa pagiging magulang.
Si Maria Carmela Espiritu Pangilinan o mas kilala sa screen name niyang Candy Pangilinan ay isang aktres at komedyante. Ginawaran siya ng parangal bilang best actress sa CineFilipino 2016 at Los Angeles International Film Festival para sa pelikulang Star Na Si Van Damme Stallone.
Matatandaang ibinahagi ni Candy na tinamaan muli siya ng COVID-19 sa ikalawang pagkakataon. Disyembre ng 2020 siya unang tinamaan ng COVID kung saan asymptomatic naman daw siya. Ngunit ngayon, nanghina siya, sumakit ang ulo at katawan at nagkaroon din ng sipon at ubo.
Matapos niyang ibahagi ang pagpositibo niya sa COVID sa pangalawang pagkakataon, minabuti ni Candy na alamin kung may kasama pa siya sa bahay na tinamaan din ng COVID. Sa kabila kasi ng kanyang pag-iisolate, posibleng mayroon din ang kanyang kasamahan sa bahay dahil nakasalamuha niya ang mga ito bago niya natuklasang may COVID siya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh