DJ Jhaiho, ibinahaging nag-open up sa kanya si Jam Villanueva

DJ Jhaiho, ibinahaging nag-open up sa kanya si Jam Villanueva

- Alam ni DJ Jhaiho ang tungkol sa umano’y relasyon nina Maris Racal at Anthony Jennings dalawang buwan bago ito lumabas sa publiko

- Sinabi ni Jamela Villanueva kay DJ Jhaiho na hindi niya planong ilabas ang mga ebidensya dahil mahal niya pa si Anthony at pinahahalagahan ang pitong taong relasyon nila

- Ayon pa kay DJ Jhaiho, napilitan si Jam na isapubliko ang screenshots dahil sa pambabatikos, mapanakit na salita, at body shaming mula sa fans

- Pinili ni DJ Jhaiho na manahimik noon dahil iginagalang niya ang relasyon niya kina Jam, Maris, at Anthony

Inamin ng radio host at social media personality na si DJ Jhaiho na matagal na niyang alam ang umano’y relasyon nina Maris Racal at Anthony Jennings, dalawang buwan bago ito naging usap-usapan sa publiko. Ayon sa kanya, mismong si Jamela Villanueva, ex-girlfriend ni Anthony, ang nagbukas ng saloobin tungkol sa isyu.

DJ Jhaiho, ibinahaging nag-open up sa kanya si Jam Villanueva
DJ Jhaiho, ibinahaging nag-open up sa kanya si Jam Villanueva
Source: Youtube

Ibinahagi ni DJ Jhaiho na isang buwan at kalahati na ang nakalipas mula nang ipakita ni Jam ang ebidensiya ng umano’y pagtataksil ng dating nobyo. Ayon kay Jam, hindi niya intensyong ilabas ang mga ito sa publiko dahil mahal pa rin niya si Anthony at pinanghahawakan niya ang pitong taong relasyon nila.

Read also

Ivana Alawi, may maagang pamasko sa mga nakasalamuhang construction workers

Ngunit dahil sa matinding pambabatikos, mapanakit na salita, at body shaming mula sa fans ng loveteam nina Maris at Anthony, napilitan si Jam na gawing publiko ang kanyang ebidensiya.

Inamin din ni Jhaiho na mas pinili niyang manahimik tungkol sa isyu noon upang hindi pangunahan ang mga taong direktang sangkot. Dagdag niya, malapit siya kay Jam, ngunit may respeto rin siya sa relasyon niya kina Anthony at Maris.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

(Starts at 1:27:48)

Ang paglabas ng mga screenshots ni Jam ay nagdulot ng malawakang diskusyon online. Pinuna ng netizens ang sitwasyon, dahilan upang maging kontrobersyal sina Maris at Anthony, lalo na’t kasabay ito ng pagpo-promote ng pelikula nilang And The Breadwinner Is….

Si Mariestella "Maris" Cañedo Racal ay isang 23 anyos na Pinay actress, singer-songwriter, host, vlogger at endorser. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Lumaki siya sa pamilyang mahilig sa musika at natutong tumugtog ng gitara sa murang edad.

Read also

Kanta ni Rico Blanco na 'Wag Mong Aminin,' lalong sumakit pakinggan ayon sa netizens

Napakomento si Maris sa mga larawang kuha ng isang fan na nanood ng Summer MMFF 2023 Parade of Stars. Makikitang blurred lahat ng kuha ng fan sa mga artistang nakasama niya sa picture. Bukod kay Maris, malabo rin ang kuha ng fan na nakasama sa larawan sina Enchong Dee at Kylie Padilla. Kaya naman hiling ni Maris na makita muli ito upang maayos silang makakuha ng picture.

Sa unang pagkakataon, nagsalita si Maris Racal tungkol sa nag-viral na larawan kung saan kapansin-pansin ang magkaparehas nilang sapatos ng aktor na si Anthony Jennings. Agad na naging usap-usapan sa social media ang litrato, na nagdulot ng samu't saring haka-haka mula sa mga netizens.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate