Kanta ni Rico Blanco na 'Wag Mong Aminin,' lalong sumakit pakinggan ayon sa netizens

Kanta ni Rico Blanco na 'Wag Mong Aminin,' lalong sumakit pakinggan ayon sa netizens

- Sa paglabas ng isyu kaugnay sa dahilan ng paghihiwalay nina Anthony Jennings at Jam Villanueva, hindi naiwasang mabanggit ang pangalan ni Rico Blanco

- Si Rico ang ex ni Maris Racal na siyang dinadawit sa paghihiwalay nila Jam at Anthony

- Marami ang humanga kay Rico dahil nanatili itong tahimik sa kabila ng paglabas ng isyu

- Kabilang sa binalikan ng netizens ang ay ang ilang kanta ni Rico na nababagay daw sa kasalukuyang nangyayari sa kanya

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Muling binuhay ng netizens ang emosyonal na awitin ni Rico Blanco na ‘Wag Mong Aminin’ kasunod ng isyung kinasasangkutan nina Anthony Jennings, Jam Villanueva, at Maris Racal. Ang kantang ito, na nagtatampok ng masakit na tema ng pag-ibig at pagtataksil, ay nag-ani ng panibagong mga komento na tila naaayon umano sa nangyayari sa buhay ni Rico ngayon.

Kanta ni Rico Blanco na 'Wag Mong Aminin,' lalong sumakit pakinggan ayon sa netizens
Kanta ni Rico Blanco na 'Wag Mong Aminin,' lalong sumakit pakinggan ayon sa netizens
Source: Facebook

Sa gitna ng balita ukol sa hiwalayan nina Anthony at Jam, nadawit ang pangalan ni Rico bilang ex ni Maris Racal, na sinasabing isa sa mga dahilan ng isyu. Gayunpaman, pinuri ng marami si Rico sa kanyang pananahimik at pagtangging makisawsaw sa kontrobersiya. Ayon sa netizens, ang tahimik niyang kilos ay lalo pang nagpatibay ng kanyang imahe bilang isang respetadong artista.

Read also

Xian Gaza sa pasabog ni Jam Villanueva: "Kompirmd yung splook ko noon"

Maraming tagapakinig ang muling nagbalik-tanaw sa mga awitin ni Rico na tila konektado sa usaping ito. Partikular na inungkat ang ‘Wag Mong Aminin,’ na nagiging mas masakit daw pakinggan sa kasalukuyang konteksto. Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

“This song hits harder now, it’s almost like this song is written for her.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Ramdam mo yung bigat dun sa last seconds ng song grabe.”
“Pinakinggan ko ulit to bcoz of Maris-Anthony issue. Bagay na bagay parang itinadhanang malikha ito noon para sa breakup nila ngayong 2024.”

Sa kabila ng kontrobersiya, nananatili namang tahimik si Rico Blanco at wala pang opisyal na pahayag hinggil sa isyung ito. Samantala, maraming netizens ang nag-aabang sa posibleng bagong mga musika ni Rico, lalo’t binanggit sa mga komento ang inaasahang bagong album mula sa kanya sa 2025.

Si Mariestella "Maris" Cañedo Racal ay isang 23 anyos na Pinay actress, singer-songwriter, host, vlogger at endorser. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Lumaki siya sa pamilyang mahilig sa musika at natutong tumugtog ng gitara sa murang edad.

Read also

Jam Villanueva, binasag ang katahimikan ukol sa paghihiwalay nila ni Anthony Jennings

Napakomento si Maris sa mga larawang kuha ng isang fan na nanood ng Summer MMFF 2023 Parade of Stars. Makikitang blurred lahat ng kuha ng fan sa mga artistang nakasama niya sa picture. Bukod kay Maris, malabo rin ang kuha ng fan na nakasama sa larawan sina Enchong Dee at Kylie Padilla. Kaya naman hiling ni Maris na makita muli ito upang maayos silang makakuha ng picture.

Sa unang pagkakataon, nagsalita si Maris Racal tungkol sa nag-viral na larawan kung saan kapansin-pansin ang magkaparehas nilang sapatos ng aktor na si Anthony Jennings. Agad na naging usap-usapan sa social media ang litrato, na nagdulot ng samu't saring haka-haka mula sa mga netizens.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate