Ogie Diaz, may komento sa mga endorsers na lumabag sa kontrata: "balik-bayad with penalty"
- Nagbahagi si Ogie Diaz sa social media tungkol sa ilang endorsers na nasangkot sa kontrobersiya na labag sa kanilang wholesome na imahe
- Ayon kay Ogie, malinaw na nakasaad sa kontrata ng mga endorsers na bawal silang masangkot sa public scandal upang maiwasan ang penalty
- Sinabi ni Ogie na kailangang ibalik ng mga endorsers ang bayad kasama ang multa kung sila ay lalabag sa kontrata
- Umani ng magkakaibang reaksyon mula sa netizens ang post ni Ogie habang nananatiling tahimik ang kampo ng mga inaakalang tinutukoy niya
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa isang post sa social media, ibinunyag ng talent manager at showbiz personality na si Ogie Diaz ang isyung kinakaharap ng ilang hindi pinangalanang endorsers na nasangkot umano sa kontrobersiya. Ayon kay Ogie, naloloka na ang mga brands na may kontrata sa mga ito dahil sa mga hindi kanais-nais na isyu na salungat sa kanilang "wholesome" na imahe.
“Nalolokah daw ang mga brands na ine-endorse nila kasi nga naman, wholesome ang image nila tapos di wholesome ang isyu,” ani ni Ogie. Ipinaliwanag din niya na malinaw na nakasaad sa kontrata ng mga endorsers na bawal silang masangkot sa anumang public scandal, kung hindi ay kinakailangan nilang ibalik ang bayad na natanggap mula sa brand, kasama ang kaukulang penalty.
Bagamat walang binanggit na pangalan si Ogie, naging usap-usapan sa social media ang posibleng pagkakakilanlan ng mga personalidad na tinutukoy niya. Dagdag pa niya, “Eh nakasaad sa contract yan na no public scandal dapat or else, balik bayad with penalty.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dahil dito, umani ng iba’t ibang reaksyon ang post ni Ogie mula sa netizens, kung saan marami ang nagpahayag ng suporta sa mga brands na sumusunod sa mga alituntunin ng kanilang kontrata. Samantala, nanatili namang tahimik ang kampo ng mga inaakalang endorser na tinutukoy sa post.
Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake"
Matatandaang nagbigay ng payo si Ogie kay Willie Revillame na palawakin ang pasensya matapos ang sunod-sunod na kontrobersiya sa kanyang show na "Will to Win" . Sa episode ng "Ogie Diaz Showbiz Update" noong Hulyo 19, 2024, sinabi ni Ogie na maaaring magpahinga si Willie kung hindi niya kayang palawakin ang kanyang pasensya.
Nagbahagi ng opinyon si Ogie tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Jude Bacalso na nagpatayo umano ng waiter ng dalawang oras. Ayon kay Ogie, nainsulto si Bacalso dahil tinawag siyang "sir" habang nakaayos-babae.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh