Carlo Aquino, inilarawan ang mga pagbabago sa panya bilang asawa ni Charlie Dizon
- Inilarawan ni Carlo Aquino ang sarili bilang mas approachable at sociable matapos ang kasal kay Charlie Dizon
- Sinabi niya na mas nagbibigay siya ngayon ng importansya sa nararamdaman at pangangailangan ng kanyang asawa
- Inamin niya na mas maingat siya sa pakikitungo sa iba, lalo na sa mga babae, dahil sa kanyang pagiging asawa
- Naibahagi rin niya ang suporta ni Charlie na nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob sa kabila ng kanyang pagod sa trabaho
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Inilarawan ni Carlo Aquino ang kanyang sarili nang tanungin siya kung anong pagbabago ang naramdaman niya matapos ang kasal sa aktres na si Charlie Dizon.
Sa isang press conference para sa pelikulang Hold Me Close, isa sa mga opisyal na lahok sa 2024 Metro Manila Film Festival, ibinahagi ni Carlo na kahit walang malalaking pagbabago sa kanyang buhay mag-asawa, naging mas maalaga siya sa nararamdaman at pangangailangan ng kanyang asawa. Ani Carlo, "Dapat conscious ka lang sa kung anong nararamdaman ng partner mo… Basta mas binibigyan ko na ng importansya yung mga ginagawa ko for her."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa kabila ng kanyang pagiging abala sa trabaho, binigyang-diin ng aktor ang kahalagahan ng kanilang relasyon. Kuwento niya, ang mga simpleng pag-uusap nila ni Charlie ay nagdudulot ng saya at lakas ng loob sa kanya, lalo na kapag siya’y pagod sa taping.
Tungkol naman sa tanong kung paano niya pinapanatili ang boundaries sa ibang tao, sinabi ni Carlo na, "Malapit ako sa mga tao, lalo na ngayon. Pero iba na yung pagiging sobrang kumportable, kasi may asawa na ako. May boundaries na."
Matatandaang ikinasal sina Carlo at Charlie noong Hunyo 9, 2004. Bago ito, may anak si Carlo, si Mithi, sa kanyang dating partner na si Trina Candaza. Sa ngayon, nananatiling masaya at inspirado ang aktor sa bago niyang yugto ng buhay bilang isang asawa at ama.
Si Carlo Aquino o Carlo Jose Liwanag Aquino sa totoong buhay ay pumasok sa mundo ng showbiz noong siya bata pa lamang. Nakitaan siya ng husay sa pag-arte sa murang edad at nakatanggap ng ilang acting awards. Isa sa pinakasikat na pelikulang kanyang ginawa noong siya ay bata pa lamang ay ang pelikulang “Bata, Bata... Paano ka Ginawa?”
Matatandaang inalmahan ni Barbie Imperial ang pandadawit sa kanya sa paghihiwalay nina Carlo at Trina Candaza. Sa kanyang YouTube video kung saan nagbasa at nag-react siya sa mga mean comments sa kanya, isang netizen ang nagsabing siya ang dahilan ng paghihiwalay ng dating magkarelasyon.
Matatandaang unang namataan si Carlo kasama ang si Charlie sa isang restaurant sa La Union. Sa isang Facebook post ng Halo Halo de iLoko sa La Union, makikita ang picture ng dalawa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh