Jericho Rosales at Janine Gutierrez, sweet na sweet sa kanilang food trip sa Japan
- Sweet na sweet sina Jericho Rosales at Janine Gutierrez sa kanilang food trip sa Japan na tampok sa bagong vlog ni Janine
- Binahagi nila ang kanilang mga candid na karanasan habang nag-eexplore ng mga pagkain sa Tokyo sa gitna ng Tokyo International Film Festival
- Maraming fans ang kinilig at nag-iwan ng mga positibong komento, kabilang ang pag-asa na mauwi sa kasalan ang relasyon ng dalawa
- Tinawag ni Jericho si Janine na "baba" sa vlog, na lalong ikinatuwa ng kanilang mga tagasubaybay
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Naghatid ng kilig at saya sina Jericho Rosales at Janine Gutierrez sa kanilang food trip sa Japan na ibinahagi ni Janine sa kanyang YouTube channel. Sa vlog na pinamagatang "I'm baaaaack!", ipinakita ni Janine ang kanilang mga nakakatuwang karanasan habang nag-eexplore ng mga pagkain sa Tokyo, kung saan dumalo siya para sa Tokyo International Film Festival.
Sa vlog, makikitang sweet at relaxed ang dalawa habang nagbabahagi ng mga candid moments. Pinuri rin ni Jericho si Janine sa kanyang mahusay na pagpili ng mga kainan, at tinawag pa niya itong "baba," bagay na lalong kinilig ang kanilang mga tagasubaybay.
Ang komento ng mga fans ay nag-uumapaw sa suporta at kilig. May nagsabing, "Confirmed na talaga sila... Dasal namin sana magtagal ang relasyon ninyo at mauwi sa kasalan," habang ang iba naman ay hindi maitago ang excitement, tulad ng isang fan na nagsabing, "Woohoo kakakilig kayo!"
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon sa ilang fans, bitin sila sa vlog at umaasa na susunod nilang ibabahagi ay ang kanilang iba pang trip. Patuloy na hinihiling ng mga tagahanga ang mas marami pang sweet moments mula sa dalawa, na inaabangan na rin kung saan hahantong ang kanilang relasyon.
Si Jericho Rosales ay isang aktor, modelo at recording artist. Ikinasal siya kay Kim Jones na isa ring kilalang modelo. Ilan sa kanyang mga teleserye na sumikat ay Pangako Sa 'Yo (2000–2002), Sana'y Wala Nang Wakas (2003–2004) at Dahil May Isang Ikaw. Naitambal siya sa ilang leading ladies kagaya ni Kristine Hermosa at Heart Evangelista.
Nagpakilig sa social media si Jericho Rosales matapos niyang mag-post ng isang espesyal na pagbati para kay Janine Gutierrez sa kaarawan nito. Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Jericho ang isang maiksing mensahe para sa kanyang kasintahan, na kanilang inamin na "officially dating" kamakailan matapos mamataan nang ilang beses na magkasama.
Isa si Santino Rosales, anak ni Jericho sa mga nagkomento sa post ng kanyang ama na bumabati kay Janine Gutierrez sa kaarawan nito. Sa Instagram post ni Jericho, kung saan makikita ang masayang pagbati para kay Janine, agad na nakakuha ng atensyon ang reaksyon ni Santino.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh