Gabby Concepcion, nagbitiw ng pangako kay Sharon: “Don’t worry, nandiyan lang ako"

Gabby Concepcion, nagbitiw ng pangako kay Sharon: “Don’t worry, nandiyan lang ako"

- Nagpasalamat si Gabby Concepcion sa mas maayos na relasyon nila ng dating asawang si Sharon Cuneta matapos ang kanilang Dear Heart concert tour sa Amerika

- Ibinahagi ni Gabby sa Instagram na mas naging malapit sila ni Sharon at mas naintindihan ang isa’t isa dahil sa concert

- Bumuhos ang suporta mula sa mga ShaGab fans na umaasang matutuloy ang reunion movie ng dalawa

- Ipinahayag ni Gabby na ang emosyonal na tagpo nila sa entablado ay patunay ng kanilang muling koneksyon at mas magandang samahan

Ipinahayag ng aktor na si Gabby Concepcion ang kanyang pasasalamat sa mas maayos na relasyon nila ng ex-wife na si Sharon Cuneta matapos ang kanilang matagumpay na Dear Heart concert tour sa Amerika. Sa isang emosyonal na post sa Instagram, ibinahagi ni Gabby ang mga tagpo mula sa kanilang konsiyerto na nagpatibay ng kanilang pagkakaibigan.

Gabby Concepcion, nagbitiw ng pangako kay Sharon: “Don’t worry, nandiyan lang ako"
Gabby Concepcion, nagbitiw ng pangako kay Sharon: “Don’t worry, nandiyan lang ako"
Source: Instagram

Sa isang video clip na ibinahagi ni Gabby, makikita ang kanilang pag-uusap habang nasa entablado.

Read also

Martha Blythe sa viral picture ni Kathryn, pumalag sa aniya'y "mapaggawa ng kwento at nagmamarunong"

Sa caption ng kanyang IG Reel, inamin ni Gabby na mas lumalim ang kanilang koneksyon sa kabila ng mahabang panahong lumipas mula nang maghiwalay sila bilang mag-asawa. “Nagpapasalamat ako sa mga fans namin sa mga tao na hindi bumibitaw at naging possible yung concert tour na ito... that we got closer again, understood each other better... made us both a better person,” ani Gabby.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Pinuri din ng aktor si Sharon para sa kanyang emosyonal na paglabas ng damdamin habang nagko-concert. “Then she broke down in tears… that I comforted her with care. Konting humor na I did not have my hanky (panyo)… I realized at that very moment, these were… tears of joy,” pagbabahagi pa niya.

Bumuhos ang suporta mula sa kanilang mga tagahanga, kabilang ang mga miyembro ng ShaGab Nation, na nagpahayag ng kilig at saya para sa muling pagiging malapit ng kanilang iniidolo. Marami ang umaasang matutuloy na ang reunion movie nina Sharon at Gabby, lalo’t muling naipakita ng dalawa ang kanilang natural na chemistry at pagkakaintindihan.

Read also

Darla Sauler, naloka nang makita ang namagang paa ni Kris Aquino

“Ang inyong relasyon ngayon ay patunay na kahit anong pagsubok ang dumaan, ang tunay na koneksyon ay nananatili,” ani ng isang fan. Sa dami ng positibong komento, malinaw na ang ShaGab tandem ay buhay na buhay pa rin sa puso ng kanilang mga tagahanga, 43 taon matapos ang kanilang unang tambalan.

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.

Matatandaang binahagi ni Sharon sa kanyang vlog ang pamamasyal nilang mag-anak sa Seoul, South Korea. Sa isang bahagi ng kanyang vlog ay tumungo sila sa store ng Hermes para sana umano bumili ng belt.

Nagdadalamhati si Sharon sa pagpanaw ng kanyang matalik na kaibigan at dating manunulat na si Manny Castañeda. Ibinahagi niya ang kanilang pinagsamahan mula pa noong 1986 sa kanyang show na "The Sharon Cuneta Show."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate