Chloe San Jose, nagreact sa akusasyong siya ang nasa blind item ni Ogie Diaz
- Mariing itinanggi ni Chloe San Jose ang mga paratang na siya ang tinutukoy sa blind item ni Ogie Diaz
- Ayon kay Chloe, wala siyang personal assistant, siya mismo ang nag-aayos ng kanyang makeup, at hindi pa niya nakikilala si Ogie nang personal
- Pinuri ng kanyang mga tagasuporta si Chloe bilang isang mabait at grounded na personalidad
- Sinabi ni Ogie Diaz na ang post ay simpleng pagbabahagi ng karanasan at walang intensyong tumukoy sa partikular na tao
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Mariing itinanggi ni Chloe San Jose ang akusasyong siya ang tinutukoy ni Ogie Diaz sa isang blind item na ibinahagi ng talent manager at vlogger. Ayon kay Chloe, nagkamali ang mga netizens na nag-tag sa kanya sa post ni Ogie kaya agad niyang nilinaw ang isyu.
Sa naturang blind item, tinukoy ni Ogie ang isang influencer na umano’y may “diva” attitude, kung saan inilarawan ang kawalan nito ng pasensiya habang ginagawa ang kanyang makeup at patuloy na abala sa paggamit ng cellphone. Bukod dito, sinabi rin ni Ogie na humingi pa raw ng pagkain ang personal assistant (PA) ng influencer habang ginagawan ito ng makeup.
Dagdag pa ni Ogie, ang influencer ay hindi umano nagpapakita ng kababaang-loob at respeto sa mga tao sa kanyang paligid. Ibinahagi rin niya na sa isang event, nakita siya ng influencer ngunit hindi man lang ito ngumiti o nagpakita ng anumang reaksyon, bagay na kanyang ipinagtaka.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
“Juice ko, ganito ba ang ibang influencers ngayon? Bagong-sikat pa lang digitally, pero parang nalampasan na ang totoong artista na nagsimula sa baba,” ani Ogie sa kanyang post.
Maraming netizens ang nag-react sa post na ito, at nadamay si Chloe San Jose sa mga komento. Ayon sa ilang netizens, si Chloe umano ang tinutukoy ni Ogie kaya’t tinag siya sa nasabing post.
Bilang tugon, agad nilinaw ni Chloe na wala siyang kinalaman sa blind item. Sa kanyang pahayag, sinabi niyang wala siyang personal assistant, siya mismo ang nag-aayos ng kanyang makeup, at hindi pa niya kailanman nakilala nang personal si Ogie Diaz.
Pinasinungalingan din ni Chloe ang mga akusasyon at iginiit na walang basehan ang mga ito. Samantala, ilan sa kanyang mga tagasuporta ang nagbigay ng depensa sa kanya, na sinasabing mabait at grounded na tao si Chloe at hindi siya angkop sa mga katangiang inilalarawan sa blind item.
Sa kabilang banda, hindi pa nagbibigay ng karagdagang pahayag si Ogie Diaz tungkol sa isyu, ngunit ipinahayag niyang maaaring nagkaroon lamang ng hindi pagkakaunawaan. Aniya, ang post ay simpleng pagbabahagi lamang ng kanyang karanasan at walang intensyong tumukoy sa isang partikular na tao.
Si Chloe San Jose ay kilalang social media personality at influencer sa Pilipinas. Kadalsan siyang nagpo-post tungkol sa fashion, lifestyle, at travel. Madalas din siyang nasasangkot sa mga kontrobersiya at usap-usapan sa social media, lalo na’t palaban ang kanyang personalidad pagdating sa mga isyu.
Pinatulan ng kontrobersyal na content creator na si Chloe San Jose ang isang netizen na nagsabing nagparetoke daw si Chloe. Hindi pinalampas ni Chloe ang bodyshaming na natanggap niya sa social media. Read more:
Usap-usapan ngayon sa social media ang pagkakasabay ni Chloe San Jose at ng kanyang kasintahan na si Carlos Yulo sa Japan habang naroon din ang nakababatang kapatid ni Carlos na sina Eldrew at Yza. Sa isang post ni Chloe kung saan makikitang nasa Japan siya, isang netizen ang nagtanong kung bumalik na sila ni Carlos sa Tokyo at kung bumisita ba sila kina Eldrew at Yza.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh