Martha Blythe sa viral picture ni Kathryn, pumalag sa aniya'y "mapaggawa ng kwento at nagmamarunong"

Martha Blythe sa viral picture ni Kathryn, pumalag sa aniya'y "mapaggawa ng kwento at nagmamarunong"

- Pumalag si Martha Blythe sa mga haka-haka at intriga kaugnay sa viral picture ni Kathryn Bernardo

- Nilinaw ng assistant director na si Kizzy Esguerra na si Martha Blythe ay pangalan lamang niya

- Nag-ugat ang espekulasyon matapos makita ang pangalan sa pinto sa likod ng litrato ni Kathryn

- Nanatiling tahimik sina Kathryn Bernardo at Andrea Brillantes sa isyu habang nagpapatuloy ang intrigang nilikha ng mga netizen

Pumalag si Martha Blythe, kilalang production assistant at bahagi ng team ni Direk Cathy Garcia Sampana, sa mga haka-haka at intriga na bumalot sa viral picture ni Kathryn Bernardo.

Martha Blythe sa viral picture ni Kathryn, pumalag sa aniya'y "mapaggawa ng kwento at nagmamarunong"
Martha Blythe sa viral picture ni Kathryn, pumalag sa aniya'y "mapaggawa ng kwento at nagmamarunong" (The Scoop/Facebook
Source: Facebook

Sa post ng assistant director na si Kizzy Esguerra, nilinaw niya ang espekulasyon na ikinakabit sa litrato. “Ito na ang aking entry… pwede na ilabas… and FYI po, ako po si Martha Blythe! (Need ko lang idiin para sa mga mapaggawa ng kwento at nagmamarunong 🤭),” ani Esguerra. Kalakip nito ay isang larawan kasama sina Kathryn at Alden Richards, na nagpapakita ng kanilang pagiging malapit.

Read also

Darla Sauler, naloka nang makita ang namagang paa ni Kris Aquino

Matatandaang naging usap-usapan sa social media ang larawan ni Kathryn kung saan makikitang nakatayo siya sa harap ng isang pinto na may nakapaskil na address na “Harbourside 58” at pangalan na “Martha Blythe.” Ang kakaibang facial expression ni Kathryn sa litrato ang lalo pang nagpasiklab ng ispekulasyon, na anila’y parang may “naalala” ang aktres sa pangalang "Blythe."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang kontrobersya ay nag-ugat sa palayaw ni Andrea Brillantes, na kilala rin bilang “Blythe.” Muling binalikan ng mga netizen ang napabalitang isyu noon na nadawit si Andrea sa diumanong hiwalayan nina Kathryn at Daniel Padilla, dahilan upang maapektuhan ang tambalang KathNiel.

Samantala, nanatiling tahimik sina Kathryn at Andrea sa kabila ng mga intrigang ito. Hindi rin nagbigay ng pahayag si Daniel hinggil sa naturang usapin.

Si Kathryn Bernardo ay isa sa mga sikat na aktres sa Pilipinas na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang kanilang tambalan bilang "KathNiel."

Read also

Nadia Montenegro, nagbigay ng update matapos ang kanyang heart surgery

Patuloy sa pagbasag ng mga rekord ang "Hello, Love Again" dahil sa napakalaking tagumpay ng pelikula. Una, nalampasan nito ang "Rewind" bilang pinakamalaking kinita ng isang pelikulang Pilipino sa kasaysayan. Ngayon, ito ang kauna-unahang pelikulang Pilipino na umabot sa mahigit P1 bilyon ang kabuuang kita.

Samantala, nagbahagi si Alden Richards ng ilang nakakakilig na litrato kasama si Kathryn Bernardo habang sila ay nasa Calgary, Canada. Sa parehong post, nag-iwan siya ng mensahe ng pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanilang pelikulang "Hello, Love, Again."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate