Kylie Versoza, ibinida ang kanyang Then and Now passport pictures

Kylie Versoza, ibinida ang kanyang Then and Now passport pictures

- Binahagi ni Kylie Versoza ang kanyang Then and Now passport pictures sa pamamagitan ng isang TikTok post

- Kalakip sa kanyang post ang mga salitang "one more time I hear" at gamit ang audio na I gutted that B from the inside out - Fendi

- Makikita sa kanyang then and now photos ang pag-iba ng kanyang mukha

- Marami sa kanyang fans ang muli ay nagkomento patungkol sa kanyang taglay na kagandahan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa pamamagitan ng isang TikTok post, ibinida ni Kylie Versoza ang kanyang “Then and Now” passport pictures na umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens. Gamit ang audio na "I gutted that B from the inside out - Fendi" at kalakip ang mga salitang “one more time I hear,” ipinasilip ng beauty queen at aktres ang pagbabago sa kanyang hitsura mula noon hanggang ngayon.

Kylie Versoza, ibinida ang kanyang Then and Now passport pictures
Kylie Versoza, ibinida ang kanyang Then and Now passport pictures (@kylieverzosa/Instagram, @verzosakylie/TikTok)
Source: Instagram

Kapansin-pansin ang malinaw na pagkakaiba sa kanyang mukha sa dalawang litrato, na agad na naging usap-usapan sa social media. Gayunpaman, marami sa kanyang mga tagahanga ang nagpaabot ng kanilang suporta at papuri sa taglay niyang kagandahan.

Read also

Ivana Alawi, ibinida ang upuan sa bahay na nagkakahalaga ng lampas kalahating milyong piso

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang ilan sa mga komento ng kanyang mga tagasubaybay:

“She is still pretty!!! Normal na may mababago sa kanya. So sad na mostly girls pa ang nagdadala ng hate for her. IT IS HER CHOICE AND SHE IS HAPPY!”
“You’re still pretty, though. From the angelic face during her Miss International Queen era to a fierce woman now.”
“To the commenters, eh ano naman if nag-iba na mukha niya? That’s her face, her body. You don’t get to pick and choose anong hitsura niya kasi in the first place her beautiful face isn’t yours.”

Sa kabila ng mga puna at opinyon ng iba’t ibang tao, patuloy na pinapakita ni Kylie ang kanyang kumpiyansa sa sarili at ang pagiging masaya sa kung sino siya ngayon. Isa itong paalala na ang pagbabago, maging sa pisikal na anyo, ay bahagi ng paglalakbay ng bawat tao tungo sa pagpapabuti

Si Kylie Verzosa ay isang Filipino actress, modelo, at beauty queen na kinoronahang Miss International 2016, ang ikaanim para sa Pilipinas. Advocate siya ng mental health awareness at itinatag ang Mental Health Matters. Nagtapos siya ng Business Management sa Ateneo at nagtagumpay din bilang aktres sa pelikula at TV.

Read also

Angeline Quinto, kinagiliwan sa kanyang fan girl moment sa BINIverse concert

Matatandaang nakatanggap ng mga negatibong komento ukol sa kanyang katawan sa isang post niya sa Instagram. Pinuna ng ilang netizens ang kanyang hitsura, na tinawag siyang "sobrang payat" at "pangit."

Ikinatuwa ng mga tagahanga ni Kylie ang serye ng mga larawang ibinahagi niya mula sa kanyang kamakailang pagbisita sa magandang bayan ng St. Tropez, France. Sa Instagram, nag-post si Kylie ng mga larawan kung saan makikitang nag-eenjoy siya sa tanawin kasama ang isang misteryosong lalaki. Dahil dito, nagkaroon ng spekulasyon ang netizens tungkol sa estado ng kanyang love life.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate