Kier Garcia, napa-thank you pa nang masampal ni Sylvia Sanchez
- Nagpasalamat pa ang TikTok personality na si Kier Garcia nang masampal siya ng aktres na si Sylvia Sanchez
- Ito ay sa isang skit na ibinahagi ni Kier sa kanyang TikTok
- Kasama rin ni Kier sa naturang video ang kanyang kaibigan at kapwa TikTok star na si Queen Dura
- Nakilala si Kier sa mga video niya kung saan madalas niyang makasalo sa pagkain ang kanyang pamilya at mga kaibigan
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Kinagiliwan ng marami ang munting skit na ibinahagi ng TikTok personality na si Kier Garcia o mas kilala bilang si Fhukerat.
Sa kanyang TikTok, makikita kung paano siya kunwaring kinastigo ng respetadong aktres sa Pilipinas na si Sylvia Sanchez at bahagya pa siyang nasampal nito.
Nang tanungin si Kier ng kaibigan niyang si Queen Dura na kasama niya sa skit kung ano ang masasabi niya, "thank you" na lamang ang nasabi nito. Maging si Sylvia Sanchez ay natawa sa naging reaksyon na ito ni Fhukerat.
Narito ang kabuuan ng video:
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Kier Garcia na mas kilala bilang si Fhukerat ay isang TikTok personality na nakilala sa kanyang pagbabahagi ng video habang siya ay kumakain. Hinangaan din siya ng marami dahil lagi itong nag-aalok ng kanyang kinakain patunay na marunong umano itong magbahagi ng biyaya sa iba.
Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, pinaliwanag niya kung bakit madalas siyang mang-alok ng pagkain on or ff camera. Ito ay dahil sa minsan silang pinagdamutan ng kanyang mga kapatid kaya't ayaw niyang may tao na tinatrato ng tulad ng kanilang naranasan. Aniya, ayaw na ayaw niyang makakita ng mga taong nagugutom kaya naman taos-puso siyang nagbibigay.
Hindi rin naiwasang maging emosyonal Fhukerat nang matanong siya ni Toni G tungkol sa mensaheng nais ipabatid niya sa mga supporters at followers niya. Ito ay ang paalala na huwag maging madamot. Kaya naman ngayong unti-unti niyang tinatamasa ang ginahawa sa buhay at ang tagumpay, hindi siya nakakalimot na magbahagi lalong-lalo na sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Sila umano ang sumuporta kay Fhukerat sa kanyang Food vlog na siyang naging daan upang siya ay makilala at hangaan na rin ng marami.
Source: KAMI.com.gh