Regine Velasquez, nagsalita sa gitna ng Myx billing issue: “It’s no longer my time”

Regine Velasquez, nagsalita sa gitna ng Myx billing issue: “It’s no longer my time”

- Ipinahayag ni Regine Velasquez na hindi na niya panahon ngayon sa industriya ng libangan kasunod ng kontrobersya sa billing issue

- Tinanggap ni Regine ang paghingi ng paumanhin ng ABS-CBN ngunit iginiit na hindi na ito kinakailangan

- Masaya si Regine sa respeto mula sa kanyang mga kapwa artist at sa kanyang papel bilang inspirasyon ng mas batang henerasyon

- Binibigyang-halaga niya ang pagiging mapagpasalamat at masaya sa kanyang mga personal na papel bilang asawa, ina, at kaibigan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Ipinahayag ni Asia’s Songbird Regine Velasquez ang kanyang malinaw na pag-unawa sa kanyang kasalukuyang estado sa industriya ng libangan kasunod ng kontrobersya sa billing issue na nag-ugat mula sa MYX Music Awards 2024.

Regine Velasquez, nagsalita sa gitna ng Myx billing issue: “It’s no longer my time”
Regine Velasquez, nagsalita sa gitna ng Myx billing issue: “It’s no longer my time”
Source: Instagram

Si Regine, isa sa mga pinakamalaking pangalan sa OPM, ay nagsilbing inspirasyon sa maraming kabataang artist. Sa kanyang mahabang karera, nagpasikat siya ng maraming hit songs, nagtanghal sa sold-out concerts, at naging bahagi ng mga matagumpay na palabas. Bukod sa pagkanta, pinalawak din niya ang kanyang talento sa pag-arte at pagho-host. Sa kabila nito, hindi matanggap ng kanyang mga tagahanga ang tila "pagkaibaba" ng kanyang pangalan sa mga bagong artista sa mga promotional materials ng nasabing event.

Read also

Sue Ramirez, nag-post ng picture kung saan makikita si Dominic Roque

Kinuwestiyon ng mga tagasuporta ni Regine ang ABS-CBN at MYX matapos lumabas ang isang publication material na nagpapakita ng mas malalaking larawan at pangalan ng mga bagong artista, habang ang kanyang pangalan ay nasa ibabang bahagi. Sa kabila nito, tinanggap ni Regine ang apology letter at mga bulaklak mula sa ABS-CBN. Ayon sa kanya, hindi na ito kinakailangan dahil naiintindihan niya ang nangyayari.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanyang TikTok video, inamin ni Regine na "hindi na ito ang kanyang panahon" sa industriya. Sinabi niya na bagamat maaaring masaktan ang iba sa kanyang sinabi, ito ang katotohanan. Para sa kanya, realistiko lang siya at batid niyang hindi na siya maaring makipagsabayan sa mga mas bata, lalo na’t siya’y 54 anyos na at apat na dekada nang bahagi ng industriya.

Ibinahagi rin niya na bilang isang produkto ng singing contests, malaking bahagi ng kanyang karera ang ginugol niya sa pakikipagpaligsahan upang patunayan ang kanyang lugar sa industriya. Ngunit ngayon, nais na niyang tamasahin ang kanyang buhay nang walang kumpetisyon.

Read also

John Lloyd Cruz sa co-parenting setup nila ni Ellen Adarna: "Sobrang swerte ko"

Sa kabila ng mga isyu, patuloy na ipinapakita ni Regine Velasquez ang kanyang klase bilang isang tunay na haligi ng OPM at inspirasyon sa industriya ng musika.

Si Regine Velasquez o Regina Encarnacion Ansong Velasquez-Alcasid sa totoong buhay ay kilalang mang-aawit at binansagang "Asia's Songbird." Ang kanyang kahanga-hangang husay sa pagbirit ang isa sa pinakahinahangaan sa kanya. Bukod sa pagkanta, umarte na rin siya sa ilang pelikula at isa din siyang producer.

Matatandaang kinaaliwan din ang biro ni Regine na kunwari ay nakikiusyuso kay Francine Diaz. Ito ay noong kasagsagan ng isyu tungkol sa kanila ni Andrea Brillantes at Seth Fedelin.

Matapos mag-viral ang pagbabalik-tanaw ni Regine kaugnay sa nangyari bago sila nagkatuluyan ni Ogie Alcasid, naibahagi ni Cristy Fermin ang umano'y kanyang nasaksihan. Hindi lang umano isang beses nasangkot si Regine sa isyu ng pagiging 3rd party sa isang relasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate