Kris Aquino, nagka-COVID scare: "Kuya Josh got Covid again"

Kris Aquino, nagka-COVID scare: "Kuya Josh got Covid again"

- Nagkaroon ng COVID scare si Kris Aquino matapos magpositibo ang kaniyang anak na si Josh at ma-expose si Bimby

- Sinabi ni Kris na negatibo na sa PCR test si Josh matapos ma-isolate at maalagaan ng mga nurse

- Sumailalim si Kris sa PICC line insertion sa Makati Medical Center bilang bahagi ng kaniyang gamutan

- Nagpasalamat siya sa mga doktor, nurses, at staff ng ospital sa kanilang malasakit at suporta sa panahon ng kaniyang confinement

Naging emosyonal ang Queen of All Media na si Kris Aquino matapos magbigay ng update tungkol sa kaniyang kalusugan at ang kamakailang COVID scare sa kanilang pamilya. Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi ni Kris na nagpositibo sa COVID-19 ang kaniyang panganay na si Kuya Josh, dahilan upang ma-expose si Bimby at ikabahala ng lahat, lalo na’t siya mismo ay may iniindang mga sakit.

Kris Aquino, nagka-COVID scare: "Kuya Josh got Covid again"
Kris Aquino, nagka-COVID scare: "Kuya Josh got Covid again"
Source: Instagram

“(Kuya Josh got Covid again, Bimb was exposed — we were all freaked that I could also have Covid). Kuya is now PCR negative. THANK YOU Jane & nurse Mary for isolating and caring for kuya!” ani Kris.

Read also

Xian Gaza, nag-react sa alegasyong si AiAi Delas Alas ang nag-utos ng post tungkol kay Gerald

Bagamat nasa maayos na kalagayan na si Josh, aminado si Kris na matindi ang stress na dinaranas ng kanilang pamilya. Nagpasalamat din siya sa mga medical staff na nagpakita ng malasakit at nag-alay ng dasal para sa kanilang kaligtasan.

Sa naunang post, ibinahagi rin ni Kris ang karagdagang detalye tungkol sa kaniyang kalusugan. Ibinunyag niyang kamakailan lamang ay sumailalim siya sa Ultrasound-Guided Peripherally Inserted Central Catheter (PICC) Line Insertion sa Makati Medical Center. Ang procedure na ito ay para sa mahabang gamutan gamit ang intravenous (IV) antibiotics at iba pang medikasyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kris Aquino, nagka-COVID scare: "Kuya Josh got Covid again"
Kris Aquino, nagka-COVID scare: "Kuya Josh got Covid again"
Source: Instagram

Lubos ang pasasalamat ni Kris sa mga doktor, nurses, at security team ng ospital sa kanilang dedikasyon at pag-aalaga sa kaniya habang siya ay naka-confine. Aniya, napakahalaga ng kanilang mga serbisyo lalo na sa panahon ng kaniyang gamutan.

Samantala, ipinaabot naman ni Kris ang kaniyang pasasalamat sa mga patuloy na nananalangin para sa kaniyang paggaling. “Your thoughtful gesture is much appreciated during a stressful time,” dagdag niya.

Read also

Sen Cynthia Villar, viral matapos ang kumalat na video sa loob ng simbahan

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Sinagot ni Kris ang komento ni Vice Governor Marc Leviste sa kanyang Instagram post. Aniya, pinagpapasalamat niya ang lahat ng ginagawa para sa kanya ni VG Marc pero pinapaalalahanan niya daw ito palagi na mahalaga ang tungkulin niya sa kanyang nasasakupan.

Ayon kay Kris Aquino, nagpapasalamat siya na marami ang nagsasabing gusto nilang bumalik sa showbiz si Kris. Gayunpaman, aniya ay tanggap na ng kanyang puso't isip na hindi na kakayanin ng kanyang katawan na bumalik siya sa pagtatrabaho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: