Angeline Quinto, kinagiliwan sa kanyang fan girl moment sa BINIverse concert

Angeline Quinto, kinagiliwan sa kanyang fan girl moment sa BINIverse concert

- Kinagiliwan si Angeline Quinto sa kanyang fan girl momen sa concert ng grupong BINI

- Tulad ng ibang fans, nakikipagsabayan ng sing-along si Angeline at pagkuha ng video o photo sa grupo

- Lalo na nang makita niya ang bias sa BINI na talagang napatili talaga si Angeline

- Todo-todo ang suporta ng mga 'Blooms' sa 3-day concert ng kanilang idolong BINI na ginanap sa Araneta Coliseum

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Marami ang naaliw kay Angeline Quinto sa pagiging fan girl nito sa grupong BINI.

Angeline Quinto, kinagiliwan sa kanyang fan girl moment sa BINIverse concert
Angeline Quinto, kinagiliwan sa kanyang fan girl moment sa BINIverse concert (Angeline Quinto)
Source: Facebook

Sa isang TikTok video na ibinahagi ni @marvhie.ortega, makikita ang saya ni Angeline sa BINIverse concert.

At tulad ng ibang 'Blooms' nakiki-sing-along ito, todo sa paghiyaw at pagkuha ng photos at videos.

Lalo na nang mabigyan siya ng pagkakataong mayakap ang kanyang bias sa grupo na si Jhoanna.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Makikitang halos nakaluhod si Angge sa pagtawag ng "Jhoanna" na sinalubong naman ng nasabing BINI member na tinawag siyang "ate."

Read also

Xian Gaza, nag-react sa alegasyong si AiAi Delas Alas ang nag-utos ng post tungkol kay Gerald

Narito ang kabuuan ng video:

Ang BINI ay isang PPop girl group na sika na sikat ngayon.Binubuo ito nina Aiah, Malai, Mikah, Colet, Stacey, Gwen, Jhoanna, at Sheena. Sila ang grupo sa likod ng popular na mga awiting "Pantropiko", "Salamin," "Huwag muna tayong umuwi," "Cherry on Top" at marami pang iba.

Matapos ang matagumpay at sold-out nilang 3-day concert noong Hunyo, Sinundan naman ito ngayon ng Grand BINIverse na ginanap sa Araneta Coliseum mula Nobyembre 16, 18 at 19. At kahit pa ginawa nilang tatlong araw ang naturang konsyerto, sold out pa rin ang tickets sa mga araw na ito.

Matatandaang minsan nang napuri ni Karen Davila ang grupo. Bukod umano sa husay ng mga ito sa kanilang larangan, kahanga-hanga ang kwento ng buhay ng bawat isa bago nila matamasa ang tagumpay ngayon. Sa naturang panayam din ni Karen sa grupo, naikwento ni Sheena ang pagpanaw ng ina sa kalagitnaan ng pandemic habang siya ay nasa training Star Hunt Academy.

Read also

Zaijian Jaranilla, kay Xyriel Manabat: "Partner nalang kulang, pa riding in tandem ka na"

Samantala, kamakailan lamang ay pinagtanggol ni Ogie Diaz ang BINI member na si Maloi dahil sa nag-viral na video nito kung saan tila kinapos na ito sa kanyang pagbirit. Paalala ni Ogie na tao rin ang nasabing grupo, nagkakamali at ang nangyari kay Maloi at patunay na live silang kumakanta ng BINI sa kanilang mga shows.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica