Ogie Diaz, dinipensahan ang viral performance ni BINI Maloi kamakailan

Ogie Diaz, dinipensahan ang viral performance ni BINI Maloi kamakailan

- Tila may depensa si Ogie Diaz sa nag-viral na performance ni BINI Maloi Ricalde kamakailan

- Sa isang video, marami ang nakapansin na tila iba ang pagbirit ni Maloi ang puna ng ilan ay tila nasintunado ito

- Matatandaang madalas na live ang performances ng kanilang grupo na BINI

- Dahil dito, may paalala si Ogie sa publiko patungkol sa grupong BINI

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Dinipensahan ni Ogie Diaz ang grupong BINI partikular na si BINI Maloi dahil sa nag-viral na video nito kamakailan.

Ogie Diaz, dinipensahan ang viral performance ni BINI Maloi kamakailan
Ogie Diaz, dinipensahan ang viral performance ni BINI Maloi kamakailan (Ogie Diaz; Bini Maloi Ricalde)
Source: Facebook

Sa naturang video, tila naiba ang birit ni Maloi na puna ng iba ay nasintunado 'di umano.

"Mas gusto kong makakita na human sila. Na pwedeng magkamali kasi tao lang. E kasi ang tingin ng iba dito, perfect sila na hindi magkakamali., hindi pipiyok," ani Ogie D.

"Kung sakali man, na merong mga pagkakataon dito sa kanilang pag-awit na sila'y medyo sasaliwa ang tinig o mawawala sa tono, o pipiyok... Lagi po nating iisipin na tao lang din po sila. Nobody is perfect."

Read also

Joey G, binawalan na umanong kantahin ang 'Forevermore'; nais makausap ang composer

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sinegundahan naman siya ni Mama Loi at sinabing "hindi po sila recording." "Hindi po sila plaka," dagdag pa ni Ogie.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Maloi Ricalde ay miyembro ng sikat ng Pinoy girl group ngayon, ang BINI. Binubuo ito nina Aiah, Mikah, Colet, Stacey, Gwen, Jhoanna, at Sheena. Sila ang grupo sa likod ng popular na mga awiting "Pantropiko", "Salamin," "Huwag muna tayong umuwi" at marami pang iba.

Matapos ang matagumpay at sold-out nilang 3-day concert noong Hunyo, pinakaaabangan naman ngayon ang Grand BINIverse na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Nobyembre. Ginawa pa nilang tatlong araw ang Grand Biniverse concert. At kahit pa ginawa nilang tatlong araw ang naturang konsyerto, sold out pa rin ang tickets sa mga araw na ito.

Read also

Ogie D, tuloy umano ang tulong ni Angel Locsin: "I'm sure nakasuporta si Angel"

Matatandaang minsan nang napuri ni Karen Davila ang grupo. Bukod umano sa husay ng mga ito sa kanilang larangan, kahanga-hanga ang kwento ng buhay ng bawat isa bago nila matamasa ang tagumpay ngayon. Sa naturang panayam din ni Karen sa grupo, naikwento ni Sheena ang pagpanaw ng ina sa kalagitnaan ng pandemic habang siya ay nasa training Star Hunt Academy.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica