Mercy Sunot, malungkot na nagdiwang ng birthday bago pumanaw: "Mag-isa lang ako.."

Mercy Sunot, malungkot na nagdiwang ng birthday bago pumanaw: "Mag-isa lang ako.."

- Pumanaw ang lead vocalist ng Aegis Band na si Mercy Sunot sa Stanford Hospital sa San Francisco matapos makipaglaban sa lung at br3ast cancer

- Inamin ni Mercy sa isang TikTok video noong Nobyembre 6 na siya ay nakararanas ng matinding kalungkutan habang mag-isa sa Amerika

- Kinumpirma ng mga kabanda at kapatid ni Mercy ang kanyang pagpanaw noong Nobyembre 17 ng gabi (Nobyembre 18 ng umaga sa Pilipinas)

- Magkakaroon sana ng pre-Valentine concert ang Aegis Band sa Pebrero 2025 sa New Frontier Theater ngunit hindi na sila kumpletong magtatanghal dahil sa pagkawala ni Mercy

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Malungkot na balita ang bumalot sa mundo ng Original Pilipino Music (OPM) matapos pumanaw ang lead vocalist ng Aegis Band na si Mercy Sunot. Pumanaw ang 48-anyos na singer habang naka-confine sa Stanford Hospital and Clinics sa San Francisco, California noong gabi ng Nobyembre 17 (Nobyembre 18 ng umaga sa Pilipinas), matapos ang kanyang matapang na laban sa lung at br3ast cancer.

Read also

Kim Chiu, nagkomento sa post ni Robi Domingo kasama si Mikee Lee

Mercy Sunot, malungkot na nagdiwang ng birthday bago pumanaw: "Mag-isa lang ako.."
Mercy Sunot, malungkot na nagdiwang ng birthday bago pumanaw: "Mag-isa lang ako.." (mercyofaegis | TikTok)
Source: TikTok

Sa isang emosyonal na TikTok video na ipinost ni Mercy noong Nobyembre 6, mismong araw ng kanyang kaarawan, ibinahagi niya ang hirap at lungkot ng pamamalagi sa Amerika nang mag-isa. Ibinahagi ni Mercy na ginugol niya ang kanyang kaarawan sa pagdalo sa misa nang mag-isa at sinabi, “Mahirap, mahirap sa ibang bansa na nag-iisa ka lang. Yung wala kang malapitan, malungkot. Iba talaga kapag nasa ibang bansa ka. Solo flight ako.”

Aniya pa, “Iba pa rin sa Pilipinas, napagtanto ko na mas masaya sa Pilipinas kaysa dito, pero no choice ako dahil kailangan kong magpagamot nang matagal.” Sa huli, bago siya nagpaalam sa video, nasambit ni Mercy ang mga salitang: “Ang masasabi ko, one word…malungkot.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kinumpirma ng kanyang kapatid na si Juliet Sunot ang kanyang pagpanaw sa pamamagitan ng isang Facebook post. Nakiisa ang buong Aegis Band sa pagluluksa at naglabas ng opisyal na pahayag. Ayon sa kanila, “Mercy’s voice wasn’t just a part of AEGIS—it was a voice that brought comfort, joy, and strength to so many.”

Read also

Gee Canlas, nagparamdam sa social media matapos ang reklamo laban kay Archie Alemania

Ang Aegis Band ay may nakatakdang pre-Valentine concert na pinamagatang “Halik sa Ulan” sa Pebrero 1 at 2, 2025 sa New Frontier Theater, Quezon City. Ang nasabing pagtatanghal ay sana ang kanilang comeback concert, subalit hindi na sila kumpleto sa kanilang pag-akyat sa entablado.

Si Mercy Sunot ay isa sa mga boses sa likod ng mga iconic hits tulad ng “Halik,” “Luha,” at “Basang-basa sa Ulan.” Ang kanyang alaala ay mananatili sa puso ng mga tagahanga ng OPM.

Matatandaang nag-viral ang huling video ni Mercy Sunot kung saan siya ay umiiyak na nakiusap sa kanyang mga tagahanga at tagasunod na ipagdasal siya — Sa naturang video, makikita ang mga mata ni Mercy na puno ng luha habang taimtim siyang nakikiusap na ipagdasal siya ng lahat.

Isa si Arnold Clavio sa mga personalidad na naglabas ng reaksyon sa social media tungkol sa malungkot na balita. Nagpasalamat ang beteranong mamamahayag kay Mercy para sa kanyang musika.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate