Mark Anthony Fernandez, pinasilip ang loob ng musoleo ng ama kung saan siya minsang tumira

Mark Anthony Fernandez, pinasilip ang loob ng musoleo ng ama kung saan siya minsang tumira

- Pinasilip ni Mark Anthony Fernandez ang loob ng musoleo ng kanyang ama na si Rudy Fernandez sa Heritage Park sa Taguig

- Ibinahagi ni Mark na minsan siyang nanirahan doon matapos siyang makaranas ng depresyon at ibenta ang kanyang condominium

- Sinabi niyang hindi siya natakot dahil malapit ang loob niya sa kanyang ama ngunit minsan ay narinig niya ang boses nito

- Ipinakita rin niya ang ilang bahagi ng musoleo na may bath tub at tulugang may aircon na ginawa niyang pansamantalang tirahan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa unang pagkakataon, pinasilip ni Mark Anthony Fernandez ang loob ng musoleo ng kanyang yumaong ama, ang action star na si Rudy Fernandez, sa pamamagitan ng programang Julius Babao UNPLUGGED.

Mark Anthony Fernandez, pinasilip ang loob ng musoleo ng ama kung saan siya minsang tumira
Mark Anthony Fernandez, pinasilip ang loob ng musoleo ng ama kung saan siya minsang tumira ( Photo: Julius Babao UNPLUGGED)
Source: Youtube

Ibinahagi ni Mark na minsan siyang nanirahan sa musoleo na matatagpuan sa Heritage Park, Taguig City, bagaman hindi naman siya nagtagal ng matagal roon.

Ayon kay Mark, nanatili siya doon matapos makaranas ng matinding depresyon at nang ibenta niya ang kanyang condominium unit sa San Juan City. Sinabi ni Mark na hindi siya nakaramdam ng takot habang nakatira sa musoleo dahil malapit ang kanyang loob sa kanyang ama.

Read also

Chloe San Jose, nagmessage daw sa mag-inang Ai-ai at Sophia: "We'll see if they even reply"

Ani niya, hindi siya natakot dahil malapit sila sa isa't isa, kaya't iniisip niyang walang dahilan para matakot. Gayunpaman, inamin niyang minsan niyang narinig ang boses ng kanyang ama sa kanyang kaliwang tenga matapos itong pumanaw.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bukod sa pagbabahagi ng kanyang karanasan, ipinakita rin ni Mark ang ilang bahagi ng musoleo, kabilang ang bath tub at tulugang may aircon, na tila isang komportableng lugar kahit pa ito ay puntod.

Umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga manonood ang kanyang kwento, na nagpapakita ng pagiging bukas ni Mark tungkol sa kanyang mga personal na pinagdaanan.

Si Mark Anthony Fernandez ay isang kilalang aktor sa Pilipinas, anak ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez at aktres na si Alma Moreno. Sumikat siya noong dekada ’90 bilang isa sa mga miyembro ng "Gwapings," isang grupo ng mga batang aktor na kinabibilangan nina Jomari Yllana, Eric Fructuoso, at Jao Mapa. Kilala siya sa mga pelikula at teleseryeng tulad ng Pare Ko, Matimbang Pa sa Dugo, at Darna, kung saan ipinakita niya ang kanyang kakayahan sa drama at aksyon.

Read also

Ai-ai Delas Alas, pinakita ang pag-workout sa gitna ng pinagdadaanan: "Lumalaban!"

Kamakailan ay in-interview ni Ogie Diaz si Mark Anthony Fernandez sa kanyang YouTube channel. Sa panayam, diretsong tinanong ni Ogie si Mark tungkol sa panahong natutulog siya sa loob ng musoleo ni Rudy Fernandez. Nang tanungin kung bakit niya piniling doon matulog, ipinaliwanag ni Mark na labis lang niyang namimiss ang kanyang ama.

Sa nasabing panayam ni Ogie, diretsong tinanong si Mark Anthony tungkol sa viral na larawan niya kasama ang dalawang babaeng pulis. Mahalagang balikan na naging usap-usapan online ang mga tsismis na kasama umano ng aktor ang dalawang babaeng opisyal. Nilinaw ng aktor ang mga bali-balita at itinanggi ito sa kanilang panayam, at sinabi niya, “Sabi ko nga, ‘Sana totoo.’”

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate