Vic Sotto, todo-hataw sa isang school event ng anak na si Tali

Vic Sotto, todo-hataw sa isang school event ng anak na si Tali

- Todo hataw sa sayawan si Vic Sotto sa school event ng anak na si Tali habang sinabayan ang mga kaklase nito

- Makikitang nag-thumbs up si Tali sa kanyang daddy matapos nitong sumayaw kasama ang iba pang mga tatay

- Nagkasama ring sumayaw ang mag-ama na labis na ikinatuwa ng mga nanonood at nag-viral online

- Ibinahagi ni Pauleen Luna ang sweet na bonding moment nina Vic at Tali sa Instagram at pinuri ang effort ni Vic sa event

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Naging espesyal na araw para sa mag-amang Vic Sotto at Tali ang isang school event kung saan todo hataw sa sayawan si Bossing Vic kasama ang kanyang anak na si Tali. Sa isang video na nag-viral online, makikitang sumasayaw si Tali kasama ang kanyang mga kaklase.

Vic Sotto, todo-hataw sa isang school event ng anak na si Tali
Vic Sotto, todo-hataw sa isang school event ng anak na si Tali (@pauleenlunasotto | Instagram)
Source: Instagram

Mayroon ding sayaw ang mga daddy kabilang si Vic. Hindi naman napigilan ni Tali ang mag-thumbs up sa kanyang daddy matapos ang kanyang performance, na labis na ikinatuwa ng mga nanonood.

Read also

Chloe San Jose, sinabing 'fake account' ang Sophia Delas Alas na nag-comment sa post nya

Isa sa mga highlight ng event ay ang pagsayaw nina Vic at Tali, kung saan makikitang tuwang-tuwa ang mag-ama habang sabay silang sumasayaw. Ayon sa post ng misis ni Vic na si Pauleen Luna, may espesyal na dance number na inihanda si Tali para sa kanyang daddy, ngunit tila may surpresa rin si Vic para sa kanyang anak.

Sa Instagram post ni Pauleen, ibinahagi niya ang ilang detalye ng masayang event. Ayon sa kanya, “Father daughter day in school today! Art, games and surprises happened this morning. Tali surprised Vic with a dance not knowing that Vic had one for her too! What a lovely sight to see!💖🥹 Good job to all the daddies especially to our very own Vic! Love you both!"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kaagad namang umani ng papuri mula sa netizens ang pagiging hands-on dad ni Vic Sotto at ang kanilang napaka-sweet na bonding moment ni Tali. Marami ang naantig sa kanilang espesyal na samahan, na nagpapakita ng pagiging malapit ng mag-ama.

Read also

Chloe San Jose, sumagot matapos hamunin ng nagpakilalang anak ni Ai-ai Delas Alas

Sa kabila ng kanyang busy schedule, pinatunayan ni Bossing Vic na laging may oras siya para sa kanyang pamilya, lalong-lalo na para kay Tali.

Si Pauleen Luna ay isang aktres at isa sa mga regular na host ng Eat Bulaga. Kilala rin siya bilang si "Poleng" dahil sa galing niya sa panggagaya ng boses batang babae. Si Pauleen ay kinasal sa kanyang co-host na si Vic Sotto noong Enero 30, 2016. Ipinanganak ni Pauleen ang unang baby nila ni Vic noong November 6, 2017.

Marami ang naaliw sa ibinahaging video ni Pauleen sa kanyang Instagram account. Ito ay ang video ng anak na si Tali kung saan tinuturo nito ang picture ng kanyang Tito Wally Bayola na kasama sa wedding pictures ng kanyang mga magulang.

Kamakailan ay binahagi ni Pauleen ang isang pasilip sa bagong silang na anak nila ni Vic Sotto. Makikita ang bibig at ang maliit na bahagi ng pisngi ng baby sa post ni Pauleen sa kanyang Instagram story kalakip ng kanyang pagbati.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate