Christophe Bariou at Nadine Lustare, nilinaw ang tungkol sa engagement rumors

Christophe Bariou at Nadine Lustare, nilinaw ang tungkol sa engagement rumors

- Nilinaw ni Christophe Bariou sa isang video ang mga usap-usapan tungkol sa engagement nila ni Nadine Lustre

- Ayon kay Christophe, hindi sila engaged at hindi totoo ang mga rumors tungkol dito

- Ibinahagi ni Nadine ang mensahe ni Christophe sa social media na nagbigay daan sa mga spekulasyon ng kanilang kasal

- Ang magkasintahan ay excited tungkol sa isang proyekto na tatlong taon nilang pinaghandaan at kanilang inilunsad

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa isang video, inilabas ni Christophe Bariou ang katotohanan hinggil sa mga usap-usapan tungkol sa kanilang engagement ni Nadine Lustre. Magkasama na ang magkasintahan nang ilang taon, kaya't ang balita ng kanilang pagpapakasal ay ikinagalak ng marami. Kamakailan, nagbigay papuri si Nadine tungkol sa kanyang nobyo, na nagpasimula ng mga spekulasyon tungkol sa kanilang relasyon.

Christophe Bariou at Nadine Lustare, nilinaw ang tungkol sa engagement rumors
Christophe Bariou at Nadine Lustare, nilinaw ang tungkol sa engagement rumors (@nadine/Instagram)
Source: Instagram

Ang mga rumors ng engagement nina Nadine at Christophe ay nagsimula matapos mag-post si Nadine ng isang sweet na mensahe mula kay Christophe sa kanyang social media. Ibinahagi ni Nadine ang isang nota mula kay Christophe na nagsasabing, “Can’t wait to discover and conquer the world with you” at sa caption naman ay sinabi niyang, “Man, oh man, you’re my best friend I scream it to the nothingness.” Dahil dito, mabilis na kumalat ang mga haka-haka na baka magpakasal na ang dalawa.

Read also

Chloe San Jose, sinabing 'fake account' ang Sophia Delas Alas na nag-comment sa post nya

Nagbigay liwanag si Christophe ukol sa mga usap-usapan at sa isang video, sinabi niyang, “We’re not engaged.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tulad ng naunang iniulat, naging public ang relasyon nina Nadine at Christophe noong Enero 2022, at noong Agosto 2023, sila ay unang nagpakita bilang magkasintahan sa publiko. Noong parehong taon, inilunsad nila ang kanilang wine business, at pagkatapos ay nagbukas ng vegan restaurant. Kamakailan lang, nagpakilala sila ng kanilang plant-based milk brand. Ayon kay Christophe, ang pinakamahalaga sa kanilang relasyon ay ang kanilang malalim na pag-aalala sa mga isyung panlipunan, tulad ng katiwalian at ang mga hadlang sa progreso ng bansa.

Si Nadine naman ay ibinahagi ang excitement nila ni Christophe tungkol sa isang proyekto na tatlong taon nilang pinaghandaan.

Si Nadine Lustre ay isang aktres, product endorser at recording artist. Siya ang kapareha ni James Reid sa ilang pelikula at teleserye. Kilala ang kanilang tambalan sa bansag na JaDine. Gayunpaman, inamin ng magkasintahan na hiwalay na sila noong January, 2020.

Read also

Chloe San Jose, sumagot matapos hamunin ng nagpakilalang anak ni Ai-ai Delas Alas

Matatandaang magkasama sina James Reid at Issa Pressman na nanood ng concert ni Harry Styles. Sa unang pagkakataon ay nagbahagi si Issa ng picture nilang magkasama na tila magkahawak-kamay.

Samantala, si Maricel Soriano ang kauna-unahang celebrity guest ni Nadine sa kanyang YouTube channel. Matatandaang nauna nang nag-guest si Nadine sa vlog ni Maricel kamakailan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate