Chloe San Jose, sumagot matapos hamunin ng nagpakilalang anak ni Ai-ai Delas Alas

Chloe San Jose, sumagot matapos hamunin ng nagpakilalang anak ni Ai-ai Delas Alas

- Matapang na hinarap ng Facebook account na may pangalang Sophia delas Alas si Chloe matapos ang pasaring nito laban kay Ai-Ai delas Alas

- Hinamon nito si Chloe na isapubliko ang social media post na umano’y patama sa kanyang ina

-Matatandaang nagpaalala si Ai-Ai kay Chloe na igalang ang ina ni Carlos dahil hindi pa sila kasal

- Sinabi ni Ai-Ai na dapat makisama si Chloe sa nanay ng nobyo upang maging maayos ang kanilang relasyon

Hindi man sumagot si Ai-Ai delas Alas sa mga patutsada ni Chloe, agad namang rumesbak ang isang Facebook account na may pangalang Sophia Delas Alas na kilala bilang nag-iisang anak na babae ni Ai-ai. Kilala si Sophia sa pagiging matapang at hindi papayag na maagrabyado ang ina, lalo na’t ito’y patungkol sa personal na isyu.

Chloe San Jose, sumagot matapos hamunin ng anak ni Ai-ai Delas Alas
Chloe San Jose, sumagot matapos hamunin ng anak ni Ai-ai Delas Alas ( PHOTOS: Facebook: Chloe Anjeleigh San Jose, Instagram: msaiaidelasalas)
Source: Facebook

Tila nag-ugat ang tensyon nang magbahagi ng tila pasaring si Chloe sa social media, na pinaniniwalaan ni Sophia na patama laban kay Ai-Ai. Matapang na hinamonng naturang user si Chloe na gawing publiko ang naturang post kung totoong may lakas ng loob ito. Sa isang mensaheng ipinadala ni Sophia, sinabi niya, “I-public mo naman yung post mo regarding my mom kung matapang ka talaga. Haha.”

Read also

Sofia Andres, ni-like ang komento na nagtatanong kung pre-nup photos na ang post niya

Hindi pa dito natapos ang kanyang mga pahayag. Diniretso pa ni Sophia si Chloe, na sinasabing: “Girlfriend ka LANG naman talaga so why do you find that offensive?” Dagdag pa niya, “Lol, wag lang kita makita sa Manila baka ako naman ang magdala sayo ng karma, girl.”

Chloe San Jose, sumagot matapos hamunin ng anak ni Ai-ai Delas Alas
Chloe San Jose, sumagot matapos hamunin ng anak ni Ai-ai Delas Alas
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang kamakailan, nagbigay ng payo si Ai-Ai kay Chloe patungkol sa relasyon nito sa ina ni Carlos. Ani Ai-Ai, “Kasi nanay yan, e. Kung wala yung nanay niya, wala kang darling ngayon. Kaya, girl, huwag mo siyang aawayin.” Binigyang-diin pa ng Comedy Queen na bilang girlfriend pa lang ni Carlos, hindi dapat makialam si Chloe sa mga isyung may kinalaman sa nanay ng kanyang nobyo. “Tsaka hindi ka pa asawa, girl. Girlfriend ka pa lang. Kapag asawa ka na, puwede na. Pero kapag girlfriend pa lang, huwag mo munang awayin.”

Si Ai-Ai delas Alas o Martina Eileen Hernandez delas Alas-Sibayan sa totoong buhay ay isang performer, comedienne at isa din siyang film actress. Sumikat ang kaniyang pelikulang Tanging Ina, na naging blockbuster hit. Ikinasal si Ai-Ai kay Gerald sa Christ the King Parish sa Greenmeadows, Quezon City noong December 12, 2017.

Read also

Ai-ai, sa green card application ni Gerald sa Amerika: "Parang help ko na yon sa kanya"

Nanalo si Aiai Delas Alas bilang Best Lead Actress sa Urduja Film Festival para sa kanyang pagganap sa pelikulang Litrato na idinirek ni Louie Ignacio. Sa kanyang Instagram post, taos-pusong nagpasalamat ang komedyante sa parangal na natanggap, at ibinahagi ang kanyang kagalakan sa mga sumuporta sa kanya.

Ibinunyag ng Comedy Queen na si Ai-Ai Delas Alas ang masakit na katotohanang hiniwalayan siya ng kanyang asawa na si Gerald Sibayan sa pamamagitan lamang ng text message. Sa kabila nito, tiniyak ni Ai-Ai na hindi niya babawiin ang green card petition para kay Gerald, na magbibigay rito ng legal na status sa Amerika.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: