Kathryn Bernardo sa ilang eksena sa 'Hello, Love Again: "Kumusta kaya Papa ko?"
- Agad na pinuntahan ni Kathryn Bernardo ang kanyang ama matapos ang premiere ng Hello Love Again
- Ito ay may kaugnayan sa eksenang mapapanood sa nasabing pelikula
- Gayunpaman, mapapansin kung saano kasaya at gaano ka-proud ang mga magulang ni Kathryn sa bagong obra na kinabilangan ng kanilang anak
- Ang Hello Love Again ay pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na sequel ng pelikula nilang Hello Love Goodbye
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Kinagiliwan ng marami ang video ni Kathryn Bernardo na agad pumunta sa kanyang pamilya partikular na sa kanyang ama sa premiere ng pelikula nilang Hello Love Again.
Aniya, ang magiging reaksyon umano ng kanyang Papa Teodore ng kanyang naiisip habang pinapanood ang ilang eksena ng kanyang pelikula kasama si Alden Richards.
"Papa! Ikaw ang naiisip ko habang nagki-kiss ako. Sabi ko, kumusta kaya Papa ko," pabirong sabi ni Kathryn na tila naging spoiler ng sarili niyang pelikula.
Inaasahan ang dagsa ng mga manonood sa pelikula nilang 'Hello Love Again' sa sinehan lalo na at limang taon ang lumipas bago nito nasundan ang unang pelikula ng KathDen na 'Hello Love Goodbye'
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Samantala, narito ang kabuuan ng video ni Kathryn at ng kanyang Papa Teodore na ibinahagi ng TikTok user na si @ms_marivic1308:
Si Kathryn Bernardo ay isa sa mga sikat na aktres sa Pilipinas na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang kanilang tambalan bilang "KathNiel."
Samantala, minsan nang nabanggit ni Ogie Diaz ang nalaman umano niya sa kanyang source na tuloy na ang part 2 ng Hello Love Goodbye na ang lokasyon naman ay sa Canada. Kalaunan ay kinumpirma na ito at may title na "Hello Love Again." Kaya namang ngayong showing na ang naturang pelikula, inaasahang tatabo na naman ito ng milyon sa takilya.
Matatandaang ang Hello Love Goodbye nina Alden Richards at Kathryn Bernardo ay minsan nang naging highest grossing film sa bansa bago pa man ito masungkit ng 'Rewind' nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Naging pambato sa Metro Manila Film Festival noong 2023.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh