Antonette Gail, umalma sa mga bashers ng kanyang pananamit
- Matapang na sinagot ni Antonette Gail ang mga bashers na pumupuna sa kanyang pananamit
- Nagbahagi siya ng video kung saan makikitang sumasayaw siya at ipinahayag ang kanyang paninindigan tungkol sa fashion choice
- Binanggit niya na hindi dapat basehan ang pananamit sa paghusga sa pagkatao ng isang tao
- Hinikayat niya ang publiko na mag-focus sa good vibes at piliin ang kasiyahan sa halip na manghusga
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Matapang na sinagot ng social media influencer na si Antonette Gail ang mga bashers na pumupuna sa kanyang estilo ng pananamit matapos niyang magbahagi ng video kung saan makikitang sumasayaw sila. Sa kabila ng pag-atake ng ilan, diretsahan niyang ipinahayag ang kanyang paninindigan sa sarili at sa kanyang fashion choices.
Aniya sa kanyang post, “Ganyan talaga ko manamit. May mga bata nga na nirereyp pa kahit nakasaplot na buong katawan. Wala sakin ang problema, nasa mata niyo.” Pinili niyang bigyang-diin na hindi dapat siya husgahan base sa kanyang pananamit at binigyang-diin ang pagiging masaya sa buhay.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Hinimok din ni Antonette ang kanyang followers na mag-focus na lamang sa good vibes at kasiyahan sa halip na mamuna ng kapwa. Dagdag pa niya, “Minsan need natin mag-enjoy ng malala. Maikli lang ang buhay, piliin mo maging masaya kaysa mang-puna ng kapwa.”
Ang naturang video ay umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa kanyang mga tagasuporta at bashers. Habang may ilang nagpapahayag ng suporta sa kanyang mensahe, may ilan din na patuloy na pumupuna sa kanyang pananamit.
Si Whamos Cruz ay isang kilalang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.
Minabuti ni Antonette Gail na linawin ang akusasyong kaya raw sila nagbebenta ng bahay at alahas ay dahil sa naubos daw ang kanilang ipon. Sinasabi pa raw na kaya naubos ang kanilang ipon ay dahil sa kanilang pag-travel at pagpapa-lipo ni Antonette.
Binahagi ng nanay ni Antonette Gail ang video ng pag-uwi ni Antonette galing sa pagkaka-ospital nito. Sa kanyang TikTok ay nabisita niya rin ang anak at pinalakas ang loob nito para magpagaling at makasama na niya ang anak.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh