Melissa Ricks, nagbahagi ng update sa kanyang weight loss journey
- Si Melissa Ricks ay nagbigay inspirasyon sa kanyang mga tagahanga at kapwa artista matapos ibahagi ang kanyang fitness journey at pagbaba ng 45 lbs
- Sa kanyang Instagram post noong Nobyembre 3, ipinakita niya ang before-and-after photos ng kanyang katawan at pinasalamatan ang kanyang doktor na si Dr. Roland Angeles
- Maraming netizens ang nagpahayag ng paghanga sa dedikasyon ni Melissa sa kanyang kalusugan at nagpasalamat sa inspirasyong kanyang ibinahagi
- Ayon kay Melissa, ang kanyang pagbabago ay isang “work in progress” at patuloy niyang isinusulong ang healthy living
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagbigay inspirasyon si Melissa Ricks sa kanyang mga tagahanga at kapwa artista matapos niyang ibahagi ang kanyang fitness journey, kung saan nabawasan siya ng 45 lbs.
Sa kanyang Instagram post noong Linggo, Nobyembre 3, ibinahagi ng celebrity mom ang before-and-after photos ng kanyang katawan at pinasalamatan ang kanyang doktor na si Dr. Roland Angeles para sa gabay nito sa kanyang weight loss journey. “Work in progress👊 Shoutout to the Best @roland_angeles_md 🙌” ani ni Melissa.
Sa comments section, hindi nagpahuli ang netizens sa pagbigay ng papuri at suporta kay Melissa:
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Thank you for inspiring me!! One of my idols!" sabi ng isang netizen.
Nagpahayag naman ng paghanga ang isa pang tagasubaybay, “I admire your dedication. You are beautiful no matter what weight you’re in. Pero sa journey mo, tulad ng akin, ang kalusugan ay mahalagang salik para maging mas maayos at mas masaya para sa sarili at sa ating mga anak. Natutunan ko mula sa iyo ang tungkol sa Diastasis recti, at mula noon, mas nauunawaan ko ang nangyayari sa aking katawan. Ako rin ay nagsisimula nang magpapayat lalo na’t nasuri ako ng early onset ng osteoarthritis. Inspirasyon ka para sa amin. God bless you with good health.”
Isa pang tagahanga ang namangha at nagkomento, "Serious?😮 wow that amazing meL🔥❤️👏 finally you made it."
Sa kanyang pagbabahagi ng kanyang fitness journey, muling pinatunayan ni Melissa Ricks na ang pagiging dedikado sa sariling kalusugan at kapakanan ay nagbibigay inspirasyon sa marami, lalo na sa mga ina at kababaihang naghahangad ng mas malusog na pamumuhay.
Si Melissa Marie Ricks ay isang Pilipinang aktres na unang sumikat matapos maging runner-up sa reality talent search ng ABS-CBN, ang Star Circle Quest. Ang aktres ay naging engaged sa kanyang kasintahan na si Michael Macatangay, matapos siyang mag-propose sa kanya sa Batangas. Ikinasal ang dalawa noong Mayo 2021.
Siya ay naging inspirasyon sa maraming netizens dahil sa kanyang malaking pagbabawas ng timbang. Sa Instagram, nag-upload si Melissa ng before-and-after na mga larawan at video ng kanyang sarili.
Samantala, muling naging inspirasyon si Melissa Ricks sa mga netizens sa kanyang bagong post online. Noong Huwebes, Pebrero 1, nagbahagi si Melissa ng bagong workout video sa Instagram.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh