Iya Villania, inaming pagod nang umire: "So, let's end it with five, okay?"

Iya Villania, inaming pagod nang umire: "So, let's end it with five, okay?"

- Ipinahayag ni Iya Villania sa "Fast Talk with Boy Abunda" na pagod na siyang umire bilang isang soon-to-be mom of five

- Sa kanyang nakakatawang sagot, sinabi niyang gusto na niyang ito na ang panghuling pagbubuntis nniya

- Ibinahagi ni Iya sa Instagram ang masayang video ng kanyang pamilya na sumasayaw sa kantang “Mambo No. 5”

- Lumabas ang larawan ng ultrasound sa video, na nagbigay-diin sa paparating na bagong miyembro ng pamilya Arellano

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa pinakabagong episode ng programang "Fast Talk with Boy Abunda," nagbigay ng nakatutuwang pahayag ang TV host na si Iya Villania na malapit nang maging mom of five. Sa isang nakakatawang tanong ni Boy Abunda, "Kung magkakaroon ng headline sa '24 Oras' bukas tungkol kay Iya Villania, what would that be?"

Iya Villania, inaming pagod nang umire: "So, let's end it with five, okay?"
Iya Villania, inaming pagod nang umire: "So, let's end it with five, okay?"
Source: Instagram

Sumagot si Iya, "'Iya Villania, pagod nang umire!' Hahahaha! Pagod nang umire... 'Yun na siya! So, let's end it with five, okay? Lord, please tapos na." Marami ang natawa at naaliw sa kanyang sagot.

Read also

Claudine Barretto, naka-relate sa pinagdadaanan ni Rita Daniela: "I myself was a victim years ago"

Matatandaang ibinahagi ni Iya sa Instagram ang isang masayang video ng kanyang pamilya na sumasayaw sa kantang “Mambo No. 5” ni Lou Bega. Sunod-sunod na ipinakilala sa video ang kanilang mga anak: si Primo bilang anak number 1, si Leon sa number 2, si Alana sa number 3, at si Astro sa number 4. Pagdating sa bahagi ng kanta na binanggit ang pang-limang bilang, isang larawan ng ultrasound ang lumitaw, senyales ng bagong miyembro ng pamilya Arellano.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Iya Villania-Arellano, ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang TV presenter. Isa siyang Filipina-Australian na kinalaunan ay naging aktres at host na rin. Nakilala rin siya bilang isa sa pinakasikat na VJ ng Myx Channel.

Sa naunang ulat ng KAMI, naibahagi ni Iya ang kanyang video ng kanyang pagwo-work out dalawang linggo matapos niyang manganak sa kanyang bunso. Umani ito ng mga reaksiyon at komento lalo na mula sa mga kapwa niya artista. Marami ang humanga na kahit kapapanganak lang nito ay kayang-kaya niyang mag-workout.

Kamakailan ay binahagi ni Iya na tuluyan nang natanggal ang front teeth ng anak niyang si Leon sa edad na limang taon. Ikinuwento niya na inakala nila ni Drew na na-save nila sa pagkakabunot ang dalawang ngipin nito nang unang matumba siya. Gayunpaman, masaya daw ang kanyang anak kaya kinalaunan ay mayroon siyang napagtanto. Aniya, ang mahalaga ay ang nararamdaman ng anak niya at aminado siyang naisip niya ang maaring sabihin ng ibang tao.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate