Vice Ganda, kumasa sa APT dance challenge with a twist

Vice Ganda, kumasa sa APT dance challenge with a twist

- Kinagiliwan ng marami ang version ni Vice Ganda ng APT dance challenge

- Matatandaang una nang nag-viral ang mashup ng awiting APT at isa sa mga sumikat na kanta ni Vice

- Kaya naman marami ang natuwa nang mismong si Vice na ang gumawa nito

- Samantala, isa sa mga kalahok sa Manila Film festival ngayong taon ang pelikula ni Vice Ganda na "And the breadwinner is"

Mabilis na nag-viral ang bagong TikTok video ni Vice Ganda kung saan kumasa rin siya sa APT dance challenge.

Vice Ganda, kumasa sa APT dance challenge with a twist
Vice Ganda, kumasa sa APT dance challenge with a twist (@praybeytbenjamin)
Source: Facebook

Subalit, mas ikinatuwa ng mga nakapanood ang 'twist' na ginawa niya dahil, mashup pala ito ng kanyang kantang 'Boom Panes.'

Matatandaang una nang nag-viral ang mashup ng APT at ng Boom Panes na siya marahil naging dahilan kung bakit nakarating na rin ito kay Vice.

Hindi nga naman kasi nalalayo ang tono ng mga nasabing awitin na aakalaing iisang kanta lamang.

Read also

Fyang, inakalang si Kai ang magiging big winner ng PBB Gen 11

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Vice Ganda ay isang TV host at komedyante na tinagurian ding 'Unkabogable Star'. Sa ngayon, bukod sa It's Showtime, abala rin si Vice sa paggawa niya ng mga videos para sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 8.17 million subscribers. Bukod sa kanyang YouTube, nagiging aktibo rin siya sa kanyang TikTok account na @unkabogableviceganda.

Bukod sa It's Showtime, naging host din ng (LOL) Last One Laughing Philippines si Vice. Ito ay isang reality show kung saan nagsama-sama ang ilang mga kilalang komedyante sa Pilipinas at si Chad Kinis ang itinanghal na kauna-unahang winner nito.

Samantala, naging abala rin si Vice sa pelikulang kanyang pagbibidahan kasama sina Eugene Domingo, Jhong Hilario, Lassy at MC. Matatandaang nabanggit ito ni Sarina, ang anak ni Jhong sa isa sa kanyang mga vlog na nilarawan niya bilang isang supresa raw sa publiko mula sa kanyang daddy Jhong at Ninang Vice.

Read also

Madam Inutz, nag-react sa mga nagsasabing kamukha siya ng mommy ni Fyang Smith

At kamakailan lamang, isinapubliko na ito ng Metro Manila Film Festival bilang isa sa mga kalahok na pelikula ngayong taon. Ito ay ang "And the breadwinner is" na sinasabing kaiba sa mga nagdaang MMFF movies na ginawa ng Unkabogable Star. Gayunpaman, inaasahang tatabo ito sa takilya kasama ng iba pang mga naggagandahang pelikula na pasok sa MMFF ngayong taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica