Kris Aquino, kailangang mag physical therapy dahil sa payat ng kanyang binti

Kris Aquino, kailangang mag physical therapy dahil sa payat ng kanyang binti

- Ibinahagi ni Kris Aquino na kailangan niyang sumailalim sa physical therapy dahil sa sobrang pagpayat ng kanyang mga binti

- Sa timbang na 87 pounds, kinailangan niyang gumamit ng walker para suportahan ang kanyang katawan

- Ipinahayag ng kaibigan niyang si Dondo Balares ang hirap na nararanasan ni Kris sa bawat treatment na may kasamang sakit

- Nagpakita ng determinasyon si Kris sa kabila ng kanyang kalagayan at nagbitiw ng mga salitang #TuloyAngLaban ilang oras bago ang kanyang procedure sa Makati Medical Center

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Pinag-uusapan ngayon ang kalagayan ng aktres at TV personality na si Kris Aquino matapos niyang ibahagi ang kanyang pangangailangang sumailalim sa physical therapy dahil sa sobrang kapayatan ng kanyang mga binti. Sa isang post ng kaibigan niyang si Dondo Balares, ibinahagi niya ang determinasyon ni Kris sa kabila ng mga pisikal na pagsubok.

Read also

Kris Aquino, muling sumailalim sa panibagong procedure pero nais pa sumali sa relief operations

Kris Aquino, kailangang mag physical therapy dahil sa payat ng kanyang binti
Kris Aquino, kailangang mag physical therapy dahil sa payat ng kanyang binti (Dindo M Balares | Facebook)
Source: Facebook

"Maraming pagkakataon na iniiyak na lang ni Kris Aquino ang sobrang sakit na nararanasan," ayon kay Balares. Ngunit, bago sumailalim sa isa pang medical procedure sa Makati Medical Center kahapon, tinuran ni Kris ang mga salitang, “#TuloyAngLaban.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kalakip na larawan, makikita si Kris na nakatayo habang nakahawak sa isang walker. Ayon sa kanya, umabot na lamang siya sa timbang na 87 pounds, kaya’t kailangan niya ng masusing physical therapy upang muling palakasin ang kanyang mga binti.

Patuloy na ipinapakita ni Kris ang kanyang tapang at determinasyon sa kabila ng maselang kondisyon ng kalusugan, at pinagmumulan ito ng inspirasyon para sa kanyang mga tagasuporta.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Read also

Alex Gonzaga, nagbihis 'Ana' sa Hongkong Disneyland; reaksiyon ni Seve, kinaaliwan

Sinagot ni Kris ang komento ni Vice Governor Marc Leviste sa kanyang Instagram post. Aniya, pinagpapasalamat niya ang lahat ng ginagawa para sa kanya ni VG Marc pero pinapaalalahanan niya daw ito palagi na mahalaga ang tungkulin niya sa kanyang nasasakupan.

Ayon kay Kris Aquino, nagpapasalamat siya na marami ang nagsasabing gusto nilang bumalik sa showbiz si Kris. Gayunpaman, aniya ay tanggap na ng kanyang puso't isip na hindi na kakayanin ng kanyang katawan na bumalik siya sa pagtatrabaho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate