Alex Gonzaga, nagbihis 'Ana' sa Hongkong Disneyland; reaksiyon ni Seve, kinaaliwan

Alex Gonzaga, nagbihis 'Ana' sa Hongkong Disneyland; reaksiyon ni Seve, kinaaliwan

- Sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang pamangking si Seve Soriano, pumunta sina Alex Gonzaga at ang kanilang pamilya sa Hongkong Disneyland

- Nagbihis 'Ana' si Alex para i-prank si Seve ngunit nakilala siya kaagad nito kahit sinabi ni Alex na hindi siya si Tata (Tawag ni Seve kay Alex)

- Nakipagkwentuhan pa si Alex sa isang nagtatrabaho doon na nakabihis bilang si Elsa

- Kitang-kita naman na tila nahihiya si Seve sa ginagawa ng kanyang tiyahin

Sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang pamangking si Seve Soriano, bumisita sina Alex Gonzaga at ang kanyang pamilya sa Hongkong Disneyland para sa isang masayang family bonding.

Alex Gonzaga, nagbihis 'Ana' sa Hongkong Disneyland; reaksiyon ni Seve, kinaaliwan
Alex Gonzaga, nagbihis 'Ana' sa Hongkong Disneyland; reaksiyon ni Seve, kinaaliwan
Source: Youtube

Bilang bahagi ng sorpresa, nagbihis si Alex bilang karakter na si Ana mula sa sikat na pelikulang Frozen. Layunin niyang i-prank ang kanyang pamangkin, subalit mabilis na nakilala siya ni Seve sa kabila ng pagsasabing hindi siya si "Tata," ang tawag ni Seve sa kanya.

Read also

Derek Ramsay, muling pinasilip ang ilang pictures nila kasama ang kanyang mag-ina

Hindi rin pinalampas ni Alex ang pagkakataong makipagkwentuhan sa isang Disneyland cast member na nakabihis bilang si Elsa. Habang masaya at aliw na aliw si Alex sa kanyang pagpapanggap, kapansin-pansin naman ang hiya ni Seve sa mga pinaggagawa ng kanyang tiyahin.

Marami ang natuwa sa reaksiyon ng batang Soriano, na tila hindi alam kung saan itatago ang kanyang mukha. Naglabasan ang mga nakakatuwang komento mula sa netizens, na agad na naaliw sa mga eksena:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Haha, trauma inaabot ng pamangkin mo sa'yo sis!”
“Hahahaha, halatang gusto ka nang iwan ni Seve at Elsa e!”
“Si Seve naging si Embarrassment from Inside Out the whole time ng vlog!”

Sa kabila ng kanyang hiya, maraming netizens ang bumati kay Seve, at patuloy na nagbigay ng papuri kay Alex sa kanyang pagiging masayahin at "kalog" bilang tiyahin.

Read also

John Bermundo, kinaaliwan sa reaksiyon nang tawagin syang 'Camille Prats'

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.5 million na subscribers sa kasalukuyan.

Binahagi ni Alex Gonzaga ang screenshot ng naging komento ni Sen. Loren Legarda sa kanyang post na kanya ding sinagot. Sa kanyang 'Mareng Mar' na video na binahagi, napakomento si Sen. Loren kung saan natanong niya si Alex kung ano ang ginagawa nito. Sinagot ito ni Alex na lumaki daw siya sa farm at titingnan daw niya kung manggigigil din si Sen. Loren sa sagot niya. Natawa naman ang senadora sa sagot na ito ni Alex at sinagot ito ng laughing emoji.

Kamakailan ay ibinida ni Alex ang kanyang todo-effort na video upang maaliw ang pamangkin niyang si Polly na tuwang-tuwa sa American YouTuber na si Ms. Rachel. Kaya naman, sa kanyang video ay sinubukan niyang gayahin si Ms. Rachel ngunit tila hindi pa rin naaliw si Polly. Ani Alex, fail ang kanyang effort pero gayunpaman marami ang naaliw at natuwa sa kanyang pagiging mapagmahal na tita. Pinakita pa ni Alex ang pinagkaiba ng reaksiyon ng pamangkin nang panuorin siya at si Ms. Rachel.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate