Parokya ni Edgar, stranded sa Sorsogon: "Naligo nalang kami sa ulan"

Parokya ni Edgar, stranded sa Sorsogon: "Naligo nalang kami sa ulan"

- Na-stranded ang Parokya ni Edgar sa Sorsogon matapos makansela ang lahat ng flight dahil sa Bagyong Kristine

- Nasa lungsod ang banda para sa kanilang October 21 na show para sa Kasanggayahan Festival

- Nagbahagi sila ng update sa kanilang sitwasyon sa Facebook, na nagsasabing hindi sila makauwi at delikado mag-roadtrip

- Ibinahagi nila ang isang positibong mensahe at sinabing naligo na lang sila sa ulan habang stranded

Ang mga miyembro ng popular na OPM band na Parokya ni Edgar ay na-stranded sa Sorsogon matapos makansela ang lahat ng flight palabas ng lungsod dahil sa matinding epekto ng Bagyong Kristine. Ang banda ay nasa lungsod para sa kanilang October 21 na pagtatanghal bilang bahagi ng Kasanggayahan Festival, isa sa mga pinakahihintay na event sa rehiyon.

Parokya ni Edgar, stranded sa Sorsogon: "Naligo nalang kami sa ulan"
Parokya ni Edgar, stranded sa Sorsogon: "Naligo nalang kami sa ulan"
Source: Facebook

Noong Martes, October 22, nagbigay ng update ang banda tungkol sa kanilang sitwasyon sa pamamagitan ng isang post sa kanilang opisyal na Facebook page. Ayon sa post, hindi sila makauwi dahil sa pagkansela ng mga flight at delikado rin umanong mag-roadtrip pabalik sa Maynila dahil sa sama ng panahon.

Read also

Isang taong gulang sa Quezon, nasawi matapos maanod ng baha

"Stranded kami sa Sorsogon," pahayag ng banda kasabay ng larawang nagpapakita ng kanilang grupo habang nagpo-pose sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan. "Di kami makauwi. Canceled lahat ng flights. Delikado din daw mag-roadtrip. So naligo na lang kami sa ulan."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kabila ng sitwasyon, nagpakita ng positibong pananaw ang banda, na tila sinasakyan na lang ang kanilang kalagayan. Pinayuhan din nila ang kanilang mga tagahanga at mga tagasubaybay na manatiling ligtas: "Stay safe, everyone!"

Ang Parokya ni Edgar ay isang sikat na OPM (Original Pilipino Music) band mula sa Pilipinas na itinatag noong 1993. Kilala sila sa kanilang mga kanta na may halong rock, pop, at comedic elements. Ang bandang ito ay binubuo nina Chito Miranda (vocalist), Gab Chee Kee (guitarist), Darius Semaña (lead guitarist), Buwi Meneses (bassist), at Dindin Moreno (drummer). Kabilang sa kanilang mga pinakasikat na kanta ang "Harana," "Buloy," "Halaga," "Para sa'yo," at "Pangarap Lang Kita."

Read also

Ilang empleyado ng PNR sa Naga, na-trap sa loob ng tren mula kagabi dahil sa baha

Kamakailan ay nagdiwang ng kaarawan si Neri Miranda, mas matanda at mas matalino na ngayon. Ibinahagi naman ni Chito Miranda sa social media ang isang larawan na nagpapakita ng simple ngunit makabuluhang selebrasyon ng kaarawan ni Neri sa kanilang tahanan. Sa caption, nagsulat din si Chito ng isang taos-pusong mensahe para sa kanyang asawa.

Sa isang kamakailang post sa social media, nilinaw ni Chito Miranda kung bakit siya nagwo-workout sa gym. Sinabi ng frontman ng Parokya Ni Edgar na hindi niya ito ginagawa para magmukhang maganda. Ipinaliwanag niya na may simple lang siyang dahilan kung bakit niya ito ginagawa. Dagdag pa ni Chito, ang kanyang pagpunta sa gym ay makakatulong sa pagtupad ng isa pa niyang pangarap.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate