Rufa Mae Quinto, ni-like ang 'pambabara' ng netizen sa nagtanong tungkol sa mister nya

Rufa Mae Quinto, ni-like ang 'pambabara' ng netizen sa nagtanong tungkol sa mister nya

- Ni-like ni Rufa Mae Quinto ang pambabarang sagot ng isang netizen sa tanong tungkol sa kanyang asawa

- Tinanong ng isang netizen kung bakit wala nang picture si Rufa sa Instagram ng mister na si Trevor Magallanes

- Imbes na sumagot, pinili ni Rufa na i-like ang matapang na sagot ng isang commenter

- Umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang aksyon ni Rufa, ngunit nanatili siyang tahimik tungkol sa isyu

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Umani ng atensyon ang aktres na si Rufa Mae Quinto matapos i-like ang sagot ng isang netizen na tila bumabara sa isa pang nagtatanong wala nang picture si Rufa sa Instagram ng mister na si Trevor Magallanes.

Rufa Mae Quinto, ni-like ang 'pambabara' ng netizen sa nagtanong tungkol sa mister nya
Rufa Mae Quinto, ni-like ang 'pambabara' ng netizen sa nagtanong tungkol sa mister nya
Source: Instagram

Ang tanong ng netizen ay, “Bakit wala ka ng picture sa IG ni Trev?” Bagama’t hindi diretsong sumagot si Rufa, pinili niyang i-like ang sagot ng isa pang netizen na nagsabing, “HINDI SILA KAGAYA MO AT NG ASAWA MO INUUNA MAG PICTURES KESA SA KUMAKALAM NA SIKMURA!”

Read also

Paulo Avelino, suportado ang grupo ni Kim Chiu Magpasikat

Rufa Mae Quinto, ni-like ang 'pambabara' ng netizen sa nagtanong tungkol sa mister nya
Rufa Mae Quinto, ni-like ang 'pambabara' ng netizen sa nagtanong tungkol sa mister nya
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang aksyon ni Rufa ay nagdulot ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens, na ang iba ay natuwa sa kanyang pag-apruba sa matapang na sagot, habang ang iba naman ay patuloy na nag-usisa tungkol sa estado ng kanyang relasyon. Sa kabila ng mga espekulasyon, nanatiling tahimik si Rufa tungkol dito.

Si Rufa Mae Quinto-Magallanes ay sumikat bilang isang Filipina actress, comedian at TV host. Nakilala siya sa kanyang kakaibang estilo ng pagpapatawa. Pinasok niya ang mundo ng showbiz nang mapabilang siya sa That's Entertainment noong 1996. Ilan sa sumikat niyang pagganap ay bilang si 'Booba' sa pelikulang Booba noong 2001 at bilang si 'Boobita Rose' sa Masikip sa Dibdib.

Matapos ang kanyang pamamalagi sa Amerika, bumalik kamakailan sa Pilipinas si Rufa Mae. Nauna siyang napasama sa UniTeam rally na talaga namang pinag-usapan. Sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas, ibinahagi niya sa kanyang social media account ang bagong bahay na kanilang tinitirhan pagbalik nila sa Pinas.

Read also

Kim Chiu, umani ng papuri sa kanyang buwis-buhay na Magpasikat performance

Matapos lumabas ang video ng kanyang pagkanta sa rally para kay Senator Manny Pacquiao, agad na nag-trend sa Twitter si Rufa Mae. Marami ang nawindang na makita siya sa naturang rally dahil bago ito ay naroroon din siya sa UniTeam rally ni Pangulong Bongbong Marcos. Maging si Rufa Mae ay binahagi sa kanyang Instagram story ang screenshot ng top trends sa Twitter kung saan makikita ang kanyang pangalan. Sa nag-viral na video, makikita ang bahagi ng pagkanta ni Rufa Mae ng awiting Firework ni Katy Perry.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate