OFW na anim na taong di nakapiling ang mga anak, nagpaluha sa Magpasikat

OFW na anim na taong di nakapiling ang mga anak, nagpaluha sa Magpasikat

- Umantig sa puso ng marami ang isang OFW na sinurpresa ang mga anak sa Magpasikat ng It's Showtime

- Pag-asa ang tema ng presentation ng grupo nina Vice Ganda, Karylle at Ryan Bang

- Isa na rito ang kwento ng OFW kung saan nabigyan ng pag-asa ang mga anak na nasasabik na siyang makasama muli

- Bukod dito, ilan din sa mga nakasama nina Vice sa kanilang pagtatanghal ay sina Awra Briguela, SB19 at ang Paris Olympics Gold Medalist na si Carlos Yulo

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Bumaha ng luha sa It's Showtime sa pagtatapos ng pagtatanghal ng grupo nina Vice Ganda, Karylle at Ryan Bang kung saan huli nilang naitampok ang mga anak ng OFW na hiling na makasama na muli ang kanilang ina.

OFW na anim na taong di nakapiling ang mga anak, nagpaluha sa Magpasikat
OFW na anim na taong di nakapiling ang mga anak, nagpaluha sa Magpasikat (It's Showtime)
Source: Facebook

Pag-asa ang umano'y tema ng 'Magpasikat' performance nina Vice kung saan nakasama rin nila sina Carlos Yulo at Awra Briguela na nagbahagi ng kanilang kwento ukol sa nasabing tema.

Read also

3 menor-de-edad na estudyante, patay matapos tamaan ng kidlat sa Zamboanga del Sur

Hindi inaasahan ng marami na matapos na ikwento ng 15 at 10 taong gulang ng mga anak ng isang OFW, lalabas din ang ina upang sila ay isurpresa.

Naikwento ng mga bata na anim na taon na ang lumipas nang mawalay sila sa inang kinailangan mangibang-bansa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kaya namang kitang-kita ang pananabik ng mga bata sa muling pagkikita nila ng kanilang ina.

Narito ang kabuuan ng nasabing 'Magpasikat' presentation na ibinahagi rin ng GMA Network YouTube:

Ang "Magpasikat" ay isang taunang pagtatanghal sa "It's Showtime". Sa segment na ito, ang mga host ng show ay nagpe-perform ng iba't ibang talento, kadalasang nagkakaroon ng tema o konsepto. Bukod sa kanilang creativity, inspirasyon din ang hatid ng nakamamangha nilang performances.

Ngayong taon, unang nagtanghal ang grupo nina Vice Ganda, Karylle at Ryan Bang. Matinding emosyon ang inilabas ng kanilang konsepto na makikitang ibinuhos nila ang kanilang husay at puso sa kanilang performances.

Read also

Mastermind sa pagpatay sa mag-asawang Lulu, next target daw ang isa pang pinagkakautangan

Maging si Awra Briguela na buong tapang nang inihayag ang kanyang pagbangon mula sa nagdaang eskandalo na nagdulot ng pansamantala niyang pananahimik sa publiko. Matatandaang kamakailan lamang ay naibahagi ni Awra ang kanyang pagiging isang estudyante na bahagi ng kanya umanong bagong simula.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica